^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (61)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ETO na ang pangako kong laptop Ziarah. Para hindi ka mainip habang nagtatago sa kuwarto. Maka­kapag-surf ka na at makakapag-FB na rin,’’ sabi ni Jonas habang hawak ang laptop na nasa kahon. Bagumbago.

“Salamat Kuya. Kabibili mo lang sa akin ng ref e may bago ka namang binili para sa akin.’’

“Kailangan mo kasi ito para malibang habang nagta­tago ka sa kuwarto. Kawawa ka naman. Baka ka maburyong kung walang pagkakaliba­ngan. Mabuti na ang mayroon kang pinagkakaabalahan. Pu­­wede ka na ring mag-re­search ng kung anu-ano.’’

“Sige Kuya. Magre-re­search ako ng mga recipe para maiba-iba naman ang mailuto ko para sa iyo. Baka nagsasawa ka na sa ginataang langka at sinaing na tulingan…’’

Nagtawa si Jonas. “Hindi naman. Paborito ko ang luto mong ginataang langka at saka tulingan. Pero kung gusto mong matuto ng ibang lutuin e puwede ka ngang mag-research sa internet,’’ sabi nito.

“Pero kakabitan mo pa ng internet yan ano Kuya?’’

“Oo. Saglit lang ito. Mamaya lang magagamit mo na ito.’’

‘‘Salamat Kuya. Siyanga pala, Kuya gusto mo nang kumain. Nakaluto na ako.’’

“Ano ba ang ulam natin?’’

“Monggo at pinaksiw na hiwas, Kuya. Sariwang-sariwa ang hiwas.’’

“Aba masarap yan. ‘Di ba yang hiwas ay ‘yung tinatawag na tampal p---?’’

“Oo Kuya, bastos ang tawag diyan sa probinsiya, he-he-he!’’

‘‘Sige kakain na ako at pagkatapos ay ise-setup ko na ang laptop mo para makapag-FB ka na mamaya.’’

“Sige Kuya. Ipaghahain na kita. Siyanga pala may malamig din na buko juice sa ref. Tamang-tama medyo maalinsangan ngayon.’’

“Okey yang buko. Sige, magpapalit lang ako ng damit.

Inihanda ni Ziarah ang mesa. Nagsandok siya ng kanin. Umuusok pa ito. Kabisado na niya si Jonas na gusto nito ang umuusok na kanin.

Naglagay siya sa mangkok ng ginisang monggo at  ng paksiw na hiwas sa malukong na pinggan. May sawsawang patis na may pinigang kalamansi para sa hiwas.

Pagkatapos ay inilabas niya sa ref ang pitsel ng buko juice na nagpapawis na sa lamig.

Kumpleto na ang hapag.

Maya-maya, bumaba na si Jonas.

‘‘Kain na Kuya.’’

“Wow ang sarap siguro nitong luto mo. At ang kanin, umuusok pa. At ang juice ay nakakauhaw na sa tingin! Ha­lika na. Sabay na tayong kumain.’’

“Mamaya na ako Kuya. Nagmeryenda ako kanina.’’

“Ganun ba? Sige ako nang bahala rito. Manood ka na lang muna ng TV.’’

“Aayusin ko sa kuwarto ang paglalagyan ng laptop Kuya.’’

“A sige. Pagkatapos kong kumain, ise-setup ko na ang laptop.’’

Nagtungo si Ziarah sa kanyang kuwarto at inayos ang pagpapatungan niya ng laptop. Tamang-tama ang pandak na mesa na nasa ga­wing kanan ng kama. Doon niya ipapatong ang laptop. Tamang-tama na habang nakaupo siya sa kama puwede na siyang mag-laptop.

Nag-imadyin na siya kung paano gumamit ng laptop. Napangiti siya nang ubod tamis.

Napakabait talaga ni Jonas na lahat ng bagay ay pinagkaloob sa kanya. Kaya lahat nang pagsisilbi ay gagawin niya kay Jonas.  (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with