^

Punto Mo

Face masks sa Florida, gawa sa balat ng sawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Florida ang nakaisip ng solusyon na sabay lulutas sa dalawang problema sa kanilang lugar – ang kakulangan ng face masks at ang pagdami ng mga peste.

Ginagawa kasing face masks ng 63-anyos na si Brian Woods ang balat ng mga python at iguana na masyado nang dumarami ang populasyon sa Everglades, na isang malawak na latian sa timog na bahagi ng Florida.

Pinaniniwalaang mula sa mga nakawala o mga pinakawalang mga alaga sa bahay ang dumaraming popu­lasyon ng mga python at iguana sa Everglades.

Mabilis kumalat ang usap-usapan ukol sa ideya ni Woods kaya marami ang nagtutungo sa tahanan niya ngayon na mga nanghuhuli ng sawa at iguana upang ipagbenta ang kanilang huli sa kanya.

Ginagamit naman ni Woods na mater­yales ang balat ng mga python at iguana para sa mga face masks na ipinagbebenta niya ng $90 (katumbas ng P4,500) sa kan­yang Facebook page.

vuukle comment

FACE MASKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with