Nagalit… nagmura… nag-sorry!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

UMANI ng maaanghang na batikos ang konsehal ng Pasay City na si Arnel “Moti” Arceo. Dahil ito sa kumalat na video kung saan pinagmumura at pinagsisigawan niya ang mga medical technologist ng City Health Office. 

Eksklusibo, nagpaunlak ng interview sa akin sa telepo­no si Arceo. Ang aking pakay, ano ang dahilan ng kanyang panggagalaiti at pagwawala na halos atakihin siya sa puso. 

Maaaring ang nakikita lamang natin ngayon at ng publiko ay “epekto lamang ng problema”. Malupit ang social media, mahuhusgahan ka at kulang na lang ay ipako ka sa krus nang hindi nakikita ang istoryang wala sa videong napanood.

Ani Arceo, hindi mga tao ang minura niya kundi ang sitwasyong gumulantang sa kanya sa kanilang session hall na nasa 4th floor ng City Hall.  Alas tres ng hapon, naabutan niyang patapos na ang rapid testing na isinasagawa sa mga empleyado.

Ang kanyang ikina-high blood, wala man lang nag-abiso sa kanilang mga konsehal na isasagawa pala ang rapid testing sa kanilang session hall. Linggu-linggo raw nila itong ginagamit para pag-usapan ang mga proyekto at iba pang isyu sa konseho.

Ang sabi raw ng Human Resources ng City Hall, nagpaalam sila kay Vice Mayor. Sagot daw ng Vice Mayor kay Arceo, nakapuwesto na ang rapid testing team nang magpaalam sa kanila.

Marami naman daw lugar ang City Hall na mas ligtas isagawa ang rapid testing, bakit sa session hall ng mga councilor ito isinagawa... nang wala man lang paalam!

May lumabas daw na memo na ipinaaalam sa lahat ng departamento ng Pasay City Hall na magaganap ang rapid testing sa session hall. Sinigurado ni Konsehal sa akin na wala silang natanggap na memo.

Sinisisi ni Konsehal si Pasay City Health Officer Dr. Cesar Encinares sa kaguluhang ito. 

Clearly, there was an internal issue. Sabi nga, the quality of your organization depends on the quality of your communication and vice versa.

Depensa naman ng Philippine Association of Medical Technologist (PAMET), huwag idamay ang health workers at medical technologists sa problema nila sa loob ng City Hall.

Kung may «miscommunication» o sablay sa pag-oorganisa ng proyektong ito, hindi karapat-dapat na kagalitan, sigawan, murahin at ipahiya ang frontliners. Dagdag ni PAMET President Ronnie Puno, nasa hukay ang isang paa nila, wag nang dagdagan pa ang sakripisyo.

Unfiltered, piniga ko ang magkabilang panig hinggil sa isyung ito. Ang natuklasan ng BITAG, may kapalpakan at natumbok kung sino. 

Abangan ang buong segment na ito sa PTV4 sa BITAG Live at sa BITAG Official YouTube Channel.

NAGMURA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with