Lalaki sa Singapore, sinuway ang lockdown para makapagnakaw ng mga bra at panty
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

UMAMIN sa korte ang isang lalaki sa Singapore na sinuway niya ang lockdown na ipinatutupad doon upang makapagnakaw lang ng women’s underwear.

Inaresto ang 39-anyos na si Lee Chee Kin matapos siyang mahuli sa akto ng pagpasok sa bakuran ng ibang bahay upang makapagnakaw ng underwear.

Hindi ito ang unang beses na ginawa ni Lee ang nasabing krimen. Tinatayang 30 beses na niya itong nagawa simula 2018 at noong ni-raid ng mga awtoridad ang kanyang tahanan noong isang taon, natagpuan doon ang 100 bra at 41 panties.

Nakapagpiyansa lamang siya kaya nakalaya at ngayon nga ay nahuli na naman siya sa kaparehong sala.

Mas marami nga lang kahaharapin na reklamo ngayon si Lee dahil bukod sa pagnanakaw ng underwear, nilabag din niya ang lockdown na ipinapatupad ngayon sa Singapore sa pamamagitan ng paglabas ng bahay ng walang matinong rason at ang hindi pagsusuot ng face mask.

Sa kabila ng pag-amin sa kanyang mga sala, hindi pa sinesentensyahan si Lee, na maaring makulong at pagba­yarin nang napakalaking multa.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with