Pinakamabilis na internet speed, naitala sa Australia
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 25, 2020 - 12:00am

NAITALA na ang pinakamabilis na Internet speed sa kasaysayan, ayon sa isang grupo ng researchers sa Australia.

Ang grupo ay binubuo ng mga mananaliksik mula sa mga unibersidad ng Monash, Swinburne at RMIT.

Ayon sa kanila, umabot ng 44.2 terabits per second ang bilis ng Internet speed na kanilang naitala.

Sa nasabing bilis, maaring mag-download ng 1,000 high-definition na pelikula nang mas mabilis pa sa 1 segundo.

Nagawa ng researchers na paratingin sa nasabing bilis ang kanilang internet speed sa pamamagitan ng tinatawag na micro-comb.

Bagama’t wala pang praktikal na gamit sa kasalukuyan ang napakabilis na Internet, naniniwala silang magiging bahagi ito ng pang araw-araw na buhay sa hinaharap.

Inaasahang magiging mahalagang parte ang napa-kabilis na Internet sa iba’t ibang makabagong teknolohiya katulad na lang ng self-driving cars na kailangan nang napakabilis na koneksiyon para sa agarang koordinasyon sa iba pang mga sasakyan sa daan.

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with