Robot na aso, pinagpapastol na ng mga tupa sa New Zealand
ISANG U.S. engineering firm at isang software company sa New Zealand ang nagtulong sa pagdisenyo ng robot na aso para magpastol sa mga tupa.
Ginagamit na ngayon ng Rocos, isang New Zealand company ang robot na aso na dinisenyo ng Boston Dynamics, isang US firm upang magpastol ng mga tupa.
Ayon sa Rocos, magagawang kontrolin ang robot kahit nasa malayo ito gamit ang kanilang software. Hindi rin daw mahihirapan ang robot sa pagpapastol ng tupa kahit pa hindi patag ang lupain.
Natutuwa naman ang Boston Dynamics na unti-unti nang nagkakaroon ng praktikal at pang-araw-araw na gamit ang mga robot na kanilang dinisenyo. Umaasa raw silang mas marami pang industriya sa buong mundo ang makikinabang sa kanilang mga robot.
- Latest