EDITORYAL - Mabagal ang resulta ng rapid test
(Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

NAGREREKLAMO na ang seafarers at overseas contract workers (OFWs) dahil mabagal ang re­sulta ng kanilang COVID-19 test. Dalawang buwan na umano sila sa quarantine facilities pero wala pa rin ang resulta ng kanilang swab test. Marso pa umano sila dumating at na-quarantine at isinailalim sa test pero ang ipinagtataka nila ay kung bakit napakatagal ng resulta. Sabi sa kanila, 14 na araw lamang ang qua­ran­tine pero sobra-sobra na ang kanilang paghihintay at parang masisira na ang kanilang mga ulo. Libong seafarers at OFW ang naka-quarantine sa iba’t ibang pasilidad sa Maynila.

Ang karamihan sa seafarers ay nasa kani-kanilang cruise ship at hindi pinapayagang makababa. Nasa 16 na cruise ships ang nasa Manila Bay at mayroon pa uma­nong darating na apat pa sa susunod na buwan. Naisa­ilalim na sa COVID test ang seafarers at hanggang ngayon, wala pa ring resulta.

Sabi ng isang seafarer, noon pang Abril 25 sila dumating at agad silang isinailalim sa rapid test. Maka­raan ang isang linggo, muli silang isinailalim sa swab test pero 26 na araw na ang nakalilipas mula nang gawin ang test, wala pang resulta. Ang Red Cross umano ang nangasiwa sa pag-test sa kanila. Hindi na raw nila ma­laman ang gagawin sa tinutuluyan nilang hotel na bagama’t maganda naman ang pasilidad ay gusto na nilang maburyong dahil sa pagkainip at pagkasabik sa kanilang pamilya. Nananawagan sila sa Red Cross na isyuhan na sila ng clearance at sertipiko para makauwi at makapiling na ang kanilang pamilya.

Kalbaryo rin ang dinaranas ng mga OFWs (karamihan ay babae) na inabutan ng lockdown at hindi na nakaalis. Nasa isang pasilidad sila at dumaraing din na pauwiin na sila para makapiling ang pamilya. Problema nila, pababayaran daw sa kanila ng agency ang gastos sa accommodation.

Noong Huwebes, inihayag ng Philippine Coast Guard na naglabas sila ng 14,669 quarantine clearances ng OFWs na negatibo sa COVID-19. Sabi ng PCG, ang clearances ay para sa sea-based at land-based workers.

Salamat at naglabas na sila ng resulta. Sana bilisan pa nila sapagkat libu-libo pa ang naghihintay ng clearances. Baka matambakan muli sila sapagkat may darating pang seafarers at OFWs sa susunod na buwan.

RAPID TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with