Bakit ‘di unahin ang POGOs?
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MARAMING aaray kapag naipatupad ang pagbubuwis sa digital service providers katulad ng Netflix.

Mantakin n’yo, ang P550 na premium subscription ng Netflix ngayon, kapag nabuwisan ng 12% ay madaragdagan ng P66 kaya magiging P616 ang monthly subscription.

Kaya binatikos ito ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. Tinawag niyang istupido ang hakbang na ito. Sabi pa ni Locsin, “Kill Bill!”

Huwag na kasing maglokohan, lower class, middle class at kahit mga “filthy rich” diyan, ang libangan habang nakakulong sa bahay dahil sa community quarantine ay Netflix at social media.

Bad news sa subscribers lalo sa panahon ngayon ng krisis. Kill joy kumbaga.

Subalit may punto rin naman si Rep. Joey Salceda. Kailangang mabuwisan ang Netflix, Spotify, Lazada at Facebook dahil dagdag ito sa kaban ng bayan.

Ilang milyong Pilipino ang subscribers ng Netflix at user ng Facebook na gumagamit ng boosting o advertising na kalimitan ay mga negosyo.

Sa laki ng kanilang kinikita mula sa mga Pilipino, hindi sila nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Lalo nga naman ngayon, taghirap na.

Panahon ng krisis, sunud-sunod ang labas ng pera ng gobyerno para sa mga ayuda, masisimot na.

Lingid sa lahat, problema na ito noong 2016 bago pa man makapasok ang Netflix sa Pilipinas. May issue na tinatawag ang Bureau of Internal Revenue sa prosesong Double Taxation Agreement.

Walang infrastructure ang foreign-owned na Netflix sa Pinas at nagbabayad na rin ito ng buwis sa pinagmulang bansa – ang US. Hirap iimplementa noon kung paano buwisan ang digital service providers dahil hindi pa ito kasama sa sistema ng panahong iyon.

Ngayon, tuloy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo.

Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal?

POGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with