Ano dapat ang kakainin?
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Kung may job interview

Taho, chicken at salmon  ang kakainin ayon sa pag-aaral na ginawa ng McGill University sa Montreal. Ang nabanggit na mga pagkain ay mayaman sa tryptophan na nagdudulot ng tiwala sa sarili na kailangan upang maayos na maitawid ang interbyu na pagdaraanan.

Kung may exam

Whole grain breakfast cereal ang mabuting kainin dahil mayaman ito sa folate na nagpapabilis ng pag-iisip at memory recall. Isang oras bago mag-exam, ngumuya ng chewing gum dahil nagpapaunlad daw ito ng memory ng 35 percent ayon sa pag-aaral na isinagawa.

Kung may “date” sa kauna-unahang pagkakataon

Uminom muna ng chamomile tea bago umalis ng bahay dahil nagpapakalma ito ng kalooban. Kung minsan, nagagawa mo ang mga “silly things” kapag ninenerbiyos. O kaya nagmumuk­hang plastic ang iyong kilos kapag natetensiyon ka.

Trying for a baby

May tendency na nerbiyosin kapag limang taon na ay wala pa rin anak tapos sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay iisa lang ang ibinabati ng mga tao sa inyong mag-asawa: “Wala pa?”. Meaning, wala pa kayong “naaasembol” na anak?

Oyster daw ang kainin. Mayaman ang oyster sa zinc na nagpapataas ng level ng fertility. Bukod dito, nagpapataas din ito ng libido upang magkaroon lagi kayo ng “desire” na magkasarilinan.

Kapag mainit ang ulo

Kumain ng walnuts or cashew nuts dahil mayaman ang mga ito sa zinc at omega-3 na  naka­katulong para mabawasan ang aggressive behaviour.

Kung kakahiwalay lang sa isang karelasyon

Kumain ng salmon at tuna upang hindi lumala ang depresyon sa tulong ng mga sustansiyang omega-3 at  vitamin B12.

Kung gagawa ng isang malaki at importanteng desisyon

Yogurt ang kainin na mayaman sa iodine at zinc upang lalong luminaw ang pag-iisip at magkaroon ng focus  sa gagawing desisyon. Nagpapakalma rin ng isip ang yogurt upang maiwasan ang pagkataranta na nagiging ugat ng palpak na desisyon

           

KAKAININ?
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with