Ang babae sa aparador (57)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

HABANG naghahanda ng kanyang almusal si Ziarah ay ang nangyari pa rin kagabi ang nasa isip niya. Talagang hindi niya maiwasang hindi mapakinggan ang mga nangyayari sa katabing kuwarto na kinaroroonan nina Jonas at Kat. Naririnig niya ang ungol­ at daing kahit naka­tapal na sa kanyang dalawang taynga ang mga unan. Pati ang banayad na lindol ay nadarama niya.

Napahinga nang malalim si Ziarah. Naisip niya, simula pa lang ito ng mga gagawin niyang pagtatago sa tuwing pupunta rito si Kat. Kanina, naulinigan niya na gusto ni Jonas na magtagal ang stay ni Kat. Narinig pa niya kanina na bakit daw nagmamadali si Kat sa pag-alis. Parang inaasahan na yata ni Jonas na magtatagal si Kat. May lakad yata si Kat, narinig niya.

Pero mabuti na rin na hindi nagtagal si Kat sapagkat hindi nga siya gaanong handa sa pagtatago kagabi. Isang biskuwit lang at isang litrong tubig ang nabaon niya sa kuwarto. Sa sunod, dadamihan niya ang baong pagkain para kung magtagal man si Kat, walang problema.

Ang isang problema lang ay kung abutin siya ng pag­dyinggel.

Sabagay puwede namang magbaon ng arinola.

KINAGABIHAN na umuwi si Jonas, ang nangyari nang nakaraang gabi ang agad nitong tinanong kay Ziarah.

“Pasensiya ka na Ziarah at ura-urada ang pagyayaya rito ni Kat. Hindi ka ba naman nahirapang magtago?’’

“Hindi naman Kuya Jonas. Nang makita ko kayong nasa gate, nagtungo na agad ako sa kuwarto sa itaas. Natatakot kasi ako na makita ni Kat.’’

“Mabuti at ganun ang ginawa mo. Paano ka nga pala kumain kagabi?’’

‘‘Kumain na po ako bago kayo dumating. At nagbaon din ako ng biskuwit at tubig.’’

“Good! Sa sunod­ e alam mo na ang gaga­win.’’

“Opo Kuya.’’

“Pasensiya ka na sa sitwasyong ganito, Ziarah.’’

‘‘Naiintindihan kita Kuya. Huwag mo akong alalahanin.’’

‘‘Salamat.’’

“Basta sisikapin ko na huwag malaman ni Kat na may kasama ka rito.’’

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with