^

Punto Mo

Kaligtasan ng mga mag-aaral, isaalang-alang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang milyun-milyong manggagawa ang lubhang na­apektuhan sa nagaganap na COVID-19 pandemic hindi sa bansa kundi sa buong mundo.

Isa pa marahil sa lubhang apektado ng pandemic ay ang milyun-milyong estudyante na wala pang katiyakan kung kailan maka­kabalik sa pag-aaral.

Sa Pinas, may ilang mambabatas na ang nagpanukala na ipag­paliban muna ang pagbubukas ng klase hangga’t wala pang natu­tuklasang bakuna sa COVID at hangga’t hindi pa tuluyang humuhupa ang bilang ng nagkakaroon nito.

Bagama’t una nang inihayag ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto 24 ang pag­bubukas ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan, mukhang marami pa rin ang tutol dito.

Ito ay dahil na rin sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng naghahawa sa sakit.

May mga panukala na isagawa na lamang ang distance learning sa pamamagitan ng internet, para hindi maantala ang mga aralin lalo na sa tuwing may ganitong pandemic at kalamidad.

Marami namang mga dapat na pag-aralan pa o isaalang-alang sa pagpapatupad nito.

Paano na ang mga mahihirap na mag-aaral na wala namang kakayahan na makabili ng mga gagamiting gadgets sa pag-aaral online, paano na rin ang mga mag-aaral na nasa liblib na mga lugar  na hindi naaabot ng internet o mas malala pa kung wala pang  kuryente sa kanilang kinaroroonan.

Maganda ang ganitong mga pagbabago, hindi naman kasi maiaalis na marahil ilang taon na lamang at sa ganitong kalagayan na patungo ang edukasyon sa bansa. Ginagawa na ito na sa maraming maunlad na bansa sa buong mundo.

Hindi rin naman dapat na magpahuli tayo sa ganitong mga pag-unlad at pagbabago pero dapat na nakanda na rin ang gobyerno sa kung paano matutulungan  ang mga mag-aaral para walang maiiwan.

Ngayong wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang banta ng COVID, marahil ay dapat munang pag-isipan nang husto kung kailangan bang isapalaran ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik eskuwela.

Lalu na nga’t mahirap na maipatupad sa mga classroom ang social distancing, kung pakontiin naman ang mga mag-aaral sa pamamagitan nang paghahati sa mga shift o araw ng pasok , ay gayun din ang mangyayari   sa kanilang mga paglalakbay naman nandoon pa rin ang panganib ng COVID.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with