Ice cream na tear gas flavor, mabibili sa Hong Kong
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 22, 2020 - 12:00am

ISANG ice cream shop sa Hong Kong ang nagbebenta na ngayon ng ice cream na lasang tear gas bilang pag-alala sa mga malawakang protesta na isinagawa sa siyudad noong nakaraang taon.

Dahil sa takot na siya ay balikan ng mga awtoridad ay mina­buti nang hindi magpakilala ng may-ari ng ice cream shop sa mga nakipanayam sa kanya.

Ginawa raw nila ang tear gas flavor upang ipaalala sa mga taga-Hong Kong na hindi sila dapat tumigil sa pagpoprotesta.

Ayon kay Ana Wong na isa sa mga customer ng ice cream shop at may karanasan sa mga isinagawang protesta sa lungsod­, kuhang-kuha raw ng ice cream ang tear gas flavor.

Unang tikim pa lang daw sa ice cream ay maka­karamdam raw kaagad ng hirap sa paghi­nga at pagkairita, kaya bumalik daw sa alaala ni Wong ang karanasan niya noong siya at ang mga kasama niya ay na-tear gas sa gitna ng protesta.

Black peppercorns daw ang pangunahing sang­kap ng ice cream. Ayon sa may-ari, sinubukan niyang gamitin ang wasabi at mustard ngunit ang itim na paminta raw talaga ang pinakamalapit sa tear gas lalo na sa pagdudulot nito ng iritasyon sa lalamunan.

Bagama’t walang mga demonstrasyon ngayon­ sa Hong Kong dahil sa COVID-19, inaasahan namang manunumbalik ang mga pagkilos sa mga susunod na buwan.

HONG KONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with