Lalaki sa India, gumawa ng motorbike na angkop para sa social distancing
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 21, 2020 - 12:00am

SCHOOL dropout si Partha Saha, 39, ng Agartala, Tripura, India, pero tinalo pa niya ang isang mechanical engineer sa naimbentong electric motorbike na tamang-tama ngayong nana­nalasa ang COVID-19. Ang motorbike ay may isang metrong pagitan mula sa driver at pasahero na tamang-tama para hindi magkahawahan dulot ng coronavirus.

Dahil sa kakaiba at napapanahong imbensiyon ni Saha, marami ang humanga sa kanya at isa na rito si Biplab Kumar Deb, chief minister ng Tripura. “Necessity is the mother of invention! I congratulate Partha Saha... for making a unique motorcycle to create awareness during COVID-19 pandemic,” sabi ni Deb.

Bago pa nagkaroon ng lockdown sa India dahil sa dumara­ming kaso ng COVID-19, nag-isip na ng paraan si Saha kung may magagamit na sasakyan na angkop sa sitwasyon. Mahigpit ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng social distancing. Bawal ang mga magkaangkas sa motorsiklo. Pinapalo ang mga nakikitang magka­angkas at maging ang mga nagkukumpol na mga tao.

Hanggang sa maisipan niyang gumawa ng motorbike na may distansiya ang driver at pasahero. Bumili siya ng lumang motorbike sa junkshop. Ginamit niya ang kaunting naiipon para ipambili.

Inumpisahan niyang gawin. Inalis muna niya ang makina ng bike. Nang maalis, hinati sa dalawa ang bike saka pinagdugtong muli para naman mag-connect ang mga gulong nito.

Para umandar kailangang i-charge niya ang battery ng tatlong oras. Puwedeng tumakbo ng 40 km per hour ang bike.

Nang matapos, ginamit agad niya ito para ihatid ang anak na babae patungo sa school. Mula nang mag-lockdown, ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Tuwang-tuwa ang kanyang anak habang patungo sila sa school. Hindi na nito kailangang sumakay ng bus para pumasok. Bukod doon, safe pa at hindi mahahawa ng virus.

Marami naman ang napapalingon at humahanga sa motorbike ni Saha na sumusunod sa social distancing.

SOCIAL DISTANCING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with