^

Punto Mo

Public transpo at ang mga nagbabalik- trabaho

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami-rami na sa ating mga kababayan ang nagbabalik na sa kanilang mga trabaho o hanapbuhay.

Ito ay kahit pa nga mahirapan sila sa pagtungo sa lugar ng kanilang pinagtatrabauhan dahil nga sa hindi pa naman pina­payagan ang mga pampublikong sasakyan, maliban sa mga tricycles sa ilang lugar, ok lang sila kahit pa maglakad.

Kailangan na nila itong gawin para sa kanilang mga pamilya.

Kaya nga kahit ilang oras na lakarin eh kanilang titiisin.

Sa ilang lugar makakapasada na ang mga tricycle at pedicab, sa Kalakhang Maynila. Bahagya na kasing lumuwag ang ilang protocols sa pagsailalim nito sa modified enhanced community quarantine.

Marahil kahit sa maiksing biyahe lang makakatulong ang mga tricycle o pedicab para sa mga magbabalik trabahong manggagawa.

May ilan kasing kompanya at pabrika na hindi naman kakayanin na mabigyan ng service ang kanilang mga manggagawa.

Nauunawaan din naman natin sila lalo na nga at maliit lamang at natigil din ng matagal ang kanilang negosyo o paggawa.

Sa ngayon, kundi motorsiklo, eh patok na rin na gawing alternatibong masasakyan ang bisikleta para sa mga nagbabalik-trabaho.

Umaasa ang marami na sa mga susunod na araw ay unti-unti na ring magkakaroon ng pampublikong transportasyon.

Ito naman ang dapat na talagang mapaghandaan. Huwag naman ipagwalang bahala  ang mga health measures na dapat na masunod, lalu na sa social distancing.

Sana ang mga indibiduwal ng pasahero na  ang manguna sa pag-observe dito.

Laging isipin na pwede ninyong maiuwi ang sakit sa inyong mga tahanan at ang labis na maapektuhan ay ang mga mahal ninyo sa buhay.

Kailangan nang magkabalik tayo sa normal, pero laging tandaan hangga’t wala pang natutuklasang bakuna sa COVID na ito, nandyan pa rin at  banta sa ating kalusugan, sa buhay, sa komunidad at maging sa buong mundo ang virus na ito.

vuukle comment

PUBLIC TRANSPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with