^

Punto Mo

Restaurant sa germany,binibigyan ang mga customer ng sumbrero para masigurado ang social distancing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG restaurant sa Germany ang namimigay ng kakaibang sumbrero sa mga customers nito upang mapanatili ang social distancing sa kanilang establisemento.

Gawa sa pool noodles o mga silindrong foam ang mga sumbrero at dahil sa haba ng mga ito ay mahihirapang lumapit sa isa’t isa ang mga may suot nito.

Agad na nag-viral sa social media ang litrato ng mga customers na suot-suot ang mga kakaibang sumbrero habang kumakain.

Ang may-ari ng restaurant na si Jaqueline Roth ang nag-share ng litrato sa Facebook at ayon sa kanya ay ibinahagi niya ang larawan upang maipakita na rin ang epekto ng pandemya sa negosyo ng mga katulad niyang may restaurant.

Dahil kasi kailangan ng social distancing ay lubos na nabawasan ang mga customer na maari nilang pagsilbihan. Mula 56 na lamesa kasi ay nasa 20 na lamang ngayon ang maaring mag-dine in sa kanila kaya apektado ang kanilang kinikita.

Ngayon pa lamang nagbubukas ang mga negosyo sa Germany, kung saan 176,000 ang naitalang kaso ng coronavirus samantalang nasa 8,000 ang mga namatay.

vuukle comment

SOCIAL DISTANCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with