Babala ng DILG sa LGUs ukol sa pamamahagi ng SAP
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 19, 2020 - 12:00am

MULING nagbabala ang Department of Interior and Local­ Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa mga lokal­ na pamahalaan na lalabag sa pamantayan ng pamamahagi ng ayuda.

Mahaharap sila sa mga kaso kagaya ng Malversation of Public­ Funds, Falsification of Public Documents at  violation of Republic Act 11469.

Hanggang ngayon, mainit ang isyu sa pamimigay ng mga LGU ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maging kami sa BITAG ay natatambakan ng reklamo sa hindi tamang pamamahagi ng ayuda.

Karamihan sa mga sumbong ay hinahati umano ng barangay ang mga perang natatanggap ng benepisyaryo.

Mali ang gawaing ito. Sabi ni DILG Usec. Martin Diño, hindi dapat bawasan, o hatiin ang ayuda ng gobyerno para sa isang benepisyaryo.

‘Yun ibang barangay kapitan, ang katwiran kaya raw nila hinahati ay para makatanggap din ang iba.

Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura? Akala siguro ng mga barangay opisyal na ito ay hindi mailalantad ang kanilang kabalbalan.

Kaakibat kami ng pamahalaan na matuldukan ang mga iregularidad na ito lalo ngayong may krisis.

 

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with