^

Punto Mo

New Zealand PM, itinaboy ng restaurant bilang pagsunod sa social distancing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAHIT ang mismong Prime Minister ng New Zealand na si Jacinda Ardern ay hindi exempted sa social distancing na ipinatutupad ng kanyang pamahalaan.

Hindi kasi pinapasok si Ardern at kanyang mga kasama sa isang restaurant sa Auckland dahil sobra na raw ang magi-ging bilang ng mga customer sa loob kung susundin ang social distancing.

Inako naman ng kasama ni Ardern ang sala para sa pagkakataboy sa Prime Minister dahil hindi siya nakapagpa-reserve nang maaga.

Sa huli ay nakakain pa rin sa restaurant ang Prime Mi-nister matapos silang habulin ng isa sa mga staff  at sabihang may mga umalis na raw na customer.

Unti-unti nang nagbubukas ang mga establisimento ngayon sa New Zealand katulad ng mga restaurants ngunit kailangan pa rin ng mga itong ipatupad ang social distan-cing.

Kinikilala ang New Zealand bilang isa sa mga nagtagumpay laban sa COVID-19 dahil nasa 100 lang ang nagpositibo roon sa coronavirus at nasa pito lamang ang naitalang bagong kaso noong katapusan ng Abril.

vuukle comment

SOCIAL DISTANCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with