Mga nagpapasikat sa social media, maghinay-hinay kayo
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 16, 2020 - 12:00am

IISA ang libangan ngayong panahon ng community qua­rantine – ang social media. Lahat ay dito nakatutok, wiling-wili at abalang-abala.

Sige ang posing, sayaw dito, kembot doon, pakita ng puwet, singit at kung anu-ano pa.

May iba naman na hindi malaman ang intensiyon, pinanga­ngalandakan ang yaman at pagtulong umano sa kapwa. Ipinagyayabang sa buong mundo na siya’y pilantropo.

Eto ang marami – ang mga useless na pahayag. Makasawsaw lang sa isyu, kung anu-ano ang sinasabi.

Naggagandahan at nagugwapuhan ang mukha, pero nakadidismaya dahil walang sustansiya ang kiyaw-kiyaw.

Mababaw, parang cotton candy. Bakit? Eh kasi bugso ng damdamin ang pinairal, hindi na nag-isip. Ayun tuloy, sila bigla ang naging isyu.

Baka na-miss nila ang limelight at adoration ng kanilang fans. Ang problema, wala sila nga­yon sa pinilakang-tabing, walang script, walang editing.

Eto pa ang isang latest na kagaguhan, nag-post na magbibigay ng pabuya kung sinong maka­kapaslang kay President Duterte.

Dahil sa kanyang kalokohan, dahil gusto niyang magpasikat, lumabag siya sa batas. At nang mahuli, nagmamakaawa siya na parang bata.

Itong mga kumakalat ngayong basura sa social media, nagte-trending pa. Pinagkakaguluhan, pinag-uusapan.

Lahat kasi ng tao nasa bahay, kaya ganitong teknolohiya ang pinagkakaabalahan. Pampatanggal buryong, for entertainment purposes ba.

Eto na ang naging resulta ng virus sa buong mundo.

Sa mga gustong magpasikat na walang saysay, hinay-hinay lang.

Mamili kayo, sisikat dahil sa kalokohan at kabobohan o sa kulungan? 

Your choice, your consequence.

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with