Kapitana sa Batangas, nilagay sa pangalan niya ang DSWD-SAP!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 12, 2020 - 12:00am

NABUKING ang gawain nitong isang Kapitana sa isla ng Tingloy sa Batangas matapos ipadala sa BITAG ang isang video na siya’y nagtatalumpati.

Aniya, ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Social Amelioration Program (SAP) ay may pinipili.

Kaya naman binago niya ang programa bilang Social AMELIAration Program dahil sa kanya raw panunungkulan, lahat mabibigyan.

Nagawa na raw niya ito sa ilang barangay sa Tingloy kaya’t sa nasabing barangay kung saan siya nagtatalumpati noong mga araw na iyon ay ipapatupad din niya.

Etong Kapitana na namintas at nagbago ng sistema ng ayuda ng gobyerno ang siya ring Presidente ng Association of Barangay Councils (ABC) sa munisipyo ng Tingloy, Batangas.

Ang matindi, misis din siya ng kasalukuyang alkalde ng Isla.

Binigyan ko ng pagkakataong maipaliwanag ni Kapitana ang kanyang panig hinggil sa sumbong. Tinawagan ko siya.

Sa umpisa, maganda ang kanyang responde hinggil sa pamimigay ng ayuda sa kanyang nasa­sakupan. Lahat daw nabigyan na.

Subalit nang mag-umpisa na akong magtanong hinggil sa sumbong na pagbago niya sa DSWD-SAP, binabaan niya ko ng telepono.

Sinubukan kong tawagan ulit, pero pinatayan na ako ng telepono.

Wala na akong ibang masasabi kundi hulog sa BITAG!

Binalaan din ni Department of Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño si Kapitana.

Oras na mapatunayan na siya ay nagkasala, kakaharapin niya ang mga sumusunod na kaso: Malversation of Public Funds, Falsificiation of Public Documents at paglabag sa Republic Act 11469, Section 6.

Kilalanin ang mahusay na Kapitana na ito. Uploaded sa aming BITAG Official YouTube Channel.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with