^

Rapper sa San Francisco, mahigit 33 oras nag-rap nang tuluy-tuloy

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 10, 2020 - 12:00am

ISANG rapper sa San Francisco, California ang nakuha ang world record para sa pinakamahabang free style rap sa pamamagitan ng pagra-rap nang tuluy-tuloy sa loob ng 33 oras, 33 minuto, at 33 segundo.

Sa tulong ng strawberry juice, tubig, at microphone, nagawa ni George Watsky na makapag-rap ng higit isang araw, kahit pa kinailangan niyang mag-banyo paminsan-minsan.

Dahil sa kanyang nagawa, nahigitan niya ang dating record na naitala ni Pablo Alvarez ng Miami, Florida noong 2016.

Hindi lang bagong world record ang naitala ni Watsky dahil nakalikom din siya ng $140,000 (katumbas ng P7,000,000) na donasyon mula sa mga nanonood ng kanyang walang tigil na pagra-rap.

Ayon kay Watsky, wala siyang ibubulsa mula sa nasabing halaga at sa halip ay ipamimigay niya ang bahagi nito sa kanyang mga ka-banda at fans na walang kinikita dahil sa lockdown dulot ng coronavirus samantalang ang natitira ay ibibigay niya sa isang charity organization.

SAN FRANCISCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with