^

Punto Mo

Ibinaba tayo ng COVID-19 mula sa pagmamataas

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

HUMBLING experience – ito ang karanasan ng marami dahil sa COVID-19 pandemic. Sa ganitong karanasan, napagtatanto ng isang tao na hindi siya kasinggaling na gaya ng kanyang iniisip, napag-uunawa niya ang kanyang mga pagkukulang at nagkakaroon siya ng bagong perspektibo. Ang humbling experience ay isang turning point na humahantong sa makabuluhang pagbabago.

Maaaring ang humbling experience ay maranasan ng sangkatauhan sa kabuoan. Ang ating kasalukuyan ay inilalarawan ng crass materialism kung saan ang laging pinahahalagahan ng tao ay ang mga materyal na bagay, ang tagumpay ay sinusukat sa rami ng pera at ari-arian. Dahil sa crass materialsm, naging sakim ang tao, walang laging pinahahalagahan kundi ang sarili.

Itinuturo sa atin ng COVID-19 na lahat ng materyal na bagay ay maaaring mawala sa isang kisap-mata. Hindi sa mga ito nakasalalay ang ating kahalagahan. Binigyang-diin ito ni Hesus nang sabihin niya sa Lucas 12:15, “Sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakasalalay sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian.” Mabuhay para sa iba at mabuhay nang simple—ito ang isang lesson na itinuturo sa atin ng COVID-19.

Maaaring ang humbling experience ay maranasan ng mayayamang bansa na dahil sa kanilang kagalingan ay iniisip na kontrolado nila ang lahat ng bagay at walang puwersang makapipigil sa kanilang pag-unlad. Ang malubhang tinamaan ng COVID-19 ay ang pinakamauunlad na bansa: US, Spain, Italy, United Kingdom, France, Germany, at Russia. At sa Asia: China, Japan, Indonesia, at South Korea. Isang virus lamang pala ay maaaring wasakin ang ipinagmamalaking kaunlaran ng mga bansa.

Itinuturo sa atin ng COVID-19 na kahit na ang mauunlad na bansa ay hindi makapagmamalaki, sapagkat hindi nila kontrolado ang lahat ng bagay. Ngunit may isang Power na may kontrol ng lahat ng bagay, ang Diyos. Hindi maaaring ialis ang Diyos sa usapin ng buhay at kinabukasan ng sangkatauhan. Ang isang magandang nangyayari ngayon ay natutong muling manalangin sa Diyos ang mga tao. Mas lumalim ngayon ang spirituality ng mga tao sa buong mundo. Dito sa atin, dahil sa enhanced community quarantine at social distancing, ang mga pagsamba ay nalipat mula sa mga iglesya tungo sa mga tahanan.  

Maaaring ang humbling experience ay maranasan ng isang mataas na lider. Mismong si Presidente Duterte ay dumanas ng humbling experience dahil sa coronavirus. Kilala natin ang Presidente sa kanyang maaanghang na pananalita na hinahaluan pa ng pagmumura. Ngunit sa kanyang Ulat sa Bayan, sinabi ng Presidente, “Naubos na po pagkasuplado ko dahil sa COVID.” Kasunod noon, humingi siya ng kapatawaran sa mga Ayalas at kay Manuel Pangilinan dahil sa masasakit na salitang ipinukol niya sa mga ito at sinabi pang handa siyang makipag-usap sa mga ito.

Napakahalaga ng ganitong pahayag mula sa pinakamataas na lider ng bansa tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Maaari lamang nating talunin ang coronavirus kung tayo’y kikilos bilang isang bansa.

Doon sa tinatawag na Sermon sa Bundok, sinabi ni Hesus sa Mateo 5:1, “Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob, sapagkat para sa kanila ang kaharian ng langit.” Kung tayong lahat ay magiging mapagpakumbaba, mula sa Presidente hanggang sa pinakamaliit na mamamayan, hindi lamang natin tatalunin ang COVID-19, kundi ang Pilipinas ay magiging isang langit dito sa lupa.      

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with