^

Punto Mo

Ang mayor at ang bishop

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG panahon na sinakop ng Nazi ang Greece, hanggang kasulok-sulukan ng maliliit na isla ay pinupuntahan nila upang maghanap ng mga Jews. Ito ang lahi na nais lipulin ng Nazi sa pamumuno ni Hitler.

Ang Zakynthos ay isang tahimik na isla sa Greece na pinamumunuan ni Mayor Loukas Karrer. Ang simbahan naman ay pinamumunuan ni Bishop Chrysostomos. Isang araw ay dumating ang gobernador ng Zakynthos at inutusan niya si Mayor na ibigay ang mga pangalan ng Jews na nakatira sa kanilang lugar.

Nag-usap muna ng masinsinan sina Mayor at Bishop. Napagkasunduan nila na huwag ibigay ang pangalan ng mga Jews.

“Paumanhin Gobernador, hindi namin ibibigay sa iyo ang mga pangalan nila,” sabi ng Bishop.

“Nahihibang na ba kayo? Kung wala tayong maibibigay na pangalan, iisipin ng mga walanghiyang Nazi na itinatago natin sila. Malamang na tayo ang pag-initan at patayin.”

“Kung ganoon Gobernador, pangalan na lang namin ni Bishop ang iyong ibigay,” sagot ng Mayor sabay kuha ng lapis at papel para isulat ang kanilang pangalan.

Samantala, matagal na palang pinatago ni Mayor ang mga Jews sa tahanan ng mga Christians. Siguro, dahil sa sabay-sabay na panalangin, nawalan ng saysay ang listahang ibinigay sa gobernador dahil hindi nagtagal, biglang nilisan ng Nazi ang isla noong October 1944.

Bunga ng pagmamatigas nina Mayor at Bishop na huwag ibigay ang pangalan ng mga Jews, 272 buhay ang nailigtas nila.

BISHOP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with