^

Punto Mo

Hindi na puwedeng obligahin ang OFWs na magbayad sa PhilHealth!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAGSALITA na si Pres. Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng PhilHealth sa overseas Filipino workers (OFWs). Sabi ng Pre­sidente: Voluntary not mandatory.

Ibig sabihin, hindi na puwedeng obligahin ang overseas Filipino workers (OFWs) na magbayad ng PhilHealth contribution. Eh di lalong napaganda pa tuloy.

Lintik naman kasi ang salitang mandatory.

Dagdagan mo pa ng banta na ang OFW na magmimintis magbayad ng 3% mandatory premium contribution ay may penalty.

May nakaabot pa sa amin sa BITAG na hindi makakakuha ng Overseas Employment Certi­ficate (OEC) ang mga OFW na pabalik sa bansang pinagtatrabahuan kung hindi bayad ang kon­tribusyon sa PhilHealth.

Matinding pahirap. Matinding pasakit. Ayan pinatigil. Kung sino lang ang may gusto, wala nang pilitan.

Dagdag pa ng mga OFW na nagsusumbong sa amin, mas maganda pa ang mga health insu­rance na provided ng kanilang mga employers sa abroad.

‘Yung iba, buong pamilya benipisyaryo pa.

Kaya ang kanilang tanong, anong pakinabang namin diyan? Paano kapag hindi namin nagamit ang kontribusyon? Saan ito mapupunta?

O, ‘yung mga pasimuno nito noon at authors kung bakit naisabatas,  kilala n’yo na kung sino kayo. Nakaka­bingi ang inyong mga katahimikan.

Sigurado, ayaw n’yo kasing matamaan ng hagupit at galit ng OFWs. Ang pinag-uusapan kasi dito, mga buhay na bayani.

Eh magtago man kayo sa ngayon, hindi man kayo umimik, nasa media archive naman ang pangalan niyo. Si Google ang maglalantad sa inyo.

Just make our living heroes, the OFWs happy. 

Everything will be back to normal. ‘Yun ay kung magkaka-amnesia ang mga OFW ngayong darating na eleksiyon.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with