^
EDITORYAL - Babala sa bgy. officials na mangungurakot

EDITORYAL - Babala sa bgy. officials na mangungurakot

(Pang-masa) - May 6, 2020 - 12:00am

NAGSALITA si President Rodrigo Duterte kahapon sa telebisyon at isa sa mga naging highlights ng kanyang lingguhang pag-uulat ay ang tungkol sa isang barangay kagawad sa Hagonoy, Bulacan na kinupitan ang social amelioration program (SAP) na ipinamamahagi sa mga mahihirap na residente. Kala­hati lang umano ng SAP ang binigay ni Kagawad Rey­naldo Flores sa mga kabarangay.

Napa-putang-ina ang Presidente nang mapanood ang video na namamahagi si Flores ng SAP pero kalahati lang nito ang binibigay niya. Sabi ng Presidente, mahirap na nga ang mga tao ay kinukupitan pa ng kagawad. Inihalal aniya ito ng mga tao na akala siguro ay may integridad at malinis pero ganun pala ang gagawin.

Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, agad nag-offer ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa sinu­mang makapagsusuplong sa kanya ng mga corrupt na barangay officials. Maaaring itawag ang mga corrupt na barangay officials sa telepono bilang 8888 at agad na aaksiyunan ito at kapag napatunayan ang ginawang katiwalian ng barangay officials, matatanggap ng nagsuplong ang P30,000.

Umapela rin ang Presidente sa mga mayor na i-screen na mabuti ang mga tao na mamamahagi ng SAP para hindi masayang ang pera at mapupunta sa mga mahihirap sa barangay. Kailangan daw na may malinis na kalooban at integridad ang mamamahagi ng pera. Sinabi rin ng Presidente na kung maaari ay sa ina ng tahanan ipagkaloob ang SAP para makasi­guro na maibibili ng pangangailangan. Kung sa ama raw ay baka gastusin lang ang pera sa sabong, alak o droga.

Nasa P200-bilyon ang inilabas ng pamahalaan para ipamahagi sa mga mahihirap na lubos na na­apektuhan ng COVID-19 mula pa nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon noong Marso 16. Matatapos ang ECQ sa Mayo 15.

Tiyak na sa pagbibigay ng pabuyang P30,000 maraming magsusuplong sa mga barangay opisyal na kurakot. Dapat lang silang maisuplong para matapos na ang kanilang kasibaan. Marami pa ang hindi nakatatanggap ng SAP habang ang mga bulsa ng barangay kagawad ay bundat na bundat. I-report sila at nang makatanggap ng P30,000.

BARANGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with