P30,000 pabuya ni Digong, kakagatin ng mga Pinoy!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - May 6, 2020 - 12:00am

MARAMING Pinoy tiyak ang kakagat sa P30,000 pabuya na inilagak ni President Digong para kitlin ang pandurugas ng mga local officials sa ayuda ng gobyerno sa mamamayan sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa. Sinabi ni Palace spokesman Harry Roque na ang pabuya ay ibibigay sa makapagsusumbong nang kung anu-anong katiwalian ukol sa pamimigay ng Special Amelioration Program (SAP) ni Digong. Ang gagawin lang ng mga Pinoy ay itawag sa telephone No. 8888 ang sangkot na barangay official at kapag positibo ito presto....sa iyo na ang pitsa. Kaya lang kailangan mag-iwan ang nagreport ng kanyang pangalan at numero ng telepono para matawagan ito kapag na-validate na ang sumbong niya at nagkatotoo. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya lang hindi sinabi ni Roque kung ano ang magiging kapalaran ng barangay officials na sangkot sa pang-umit o pagbawas ng SAP at iba pang ayuda ng gobyerno subalit maliwanag naman siguro na kakasuhan nila ito. Araguuyyy!! Hak hak hak! Hindi na tiyak makakatulog ang mga opisyales na sangkot sa raket sa SAP dahil sa reward system ni Digong, ‘di ba mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang, maganda na sana ang takbo ng report ni Digong sa sambayanan noong Lunes ng gabi tungkol sa COVID at sinabi pa niya na “Good boy” siya kaya’t hindi nagmumura. Kaya lang nang tingnan niya ang papel sa harap n’ya at binasa ang pangalan ni kagawad Danilo Flores, ng Hagonoy, Bulacan aba biglang kumambiyo ang tono niya. Hehehe! Ano ba ang bago d’yan?

Ito palang si Flores ay inakusahan na nagbabawas ng SAP ng taga-barangay niya kaya hayun hindi napigilan ni Digong na bumalik sa dating gawi – ang magmura. Ganitong sistema ni Flores ang nais ni Digong na makarating sa kanya para mahabol niya at kasuhan para di na pamarisan pa. Kaya lang ang problema nito, paano kung marami ang mag-report tungkol sa anomalya sa ayuda sa COVID at maging positibo nga? Maghahati sila sa P30,000 o bawa’t isa sa kanila ang tatanggap ng pabuya? Araguuyyy! Hak hak hak! Baka naman puro hangin na lang ang tatanggapin ng mga “makapili” pag nagkataon.

Maraming reklamo sa social media patungkol dito sa SAP mula gobernador, mayor, at barangay officials tulad ng pang-uumit, at pagpili ng beneficiaries. 

Sa Antique, inireklamo ang mga bataan ng isang Dans na taga-DSWD na pinipili  lang ang binibigyan ng SAP. Mayroon ding inuuna ng mga taga-barangay ang kanilang mga kamag-anak kaya’t kokonti na lang ang naambunan sa mga tinatawag na malayo sa palayok. May mga patay din na nakatanggap ng SAP. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa?

Subalit dito sa reward system ni Digong, tiyak mababago ang takbo ng hangin at itong second wave ng SAP ay mapupunta na sa tamang beneficiary na mahirap man o mayaman. Harinawa! Kaya kung hindi ka man naambunan ng SAP i-report mo na lang ang sangkot sa katiwalian tungkol dito tiyak bawi ka dahil malaki ang premyo mo. Araguuyyy! Hak hak hak! Matapos magsalita si Digong, nasampolan kaagad si Flores na inaresto ng mga tauhan ni Col. Lawrence Cajipe, ang provincial director ng Bulacan. Abangan

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with