^

Punto Mo

Lahat dapat saklaw ng panuntunan sa lockdown!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayun at tuluyan na ngang sinampahan ng kaso ng isang pulis-Makati ang banyagang nakagirian niya kamakailan sa isang exclusive village sa lungsod.

Kinasuhan ng patung-patong na kaso ang Espanyol na si Javier Salvador Parra ni M/Sgt. Roland Madrona dahil na rin sa pagiging arogante at pambabastos nito sa awtoridad.

Matapang si Parra na lumabas ng bahay at pagsalitaan ng masasakit na salita ang pulis na sumita sa kanyang kasambahay na walang suot na face mask sa labas ng bahay.

Pinagsabihan ito ng pulis, kaya pumasok sa bahay pero ilang saglit pa ang lumabas ang amo na dayuhan na nakahubad at kung anu-ano ang pinagsasabi sa pulis.

Sobrang tapang ng dayuhang ito, ngayon ayan pati ang legalidad nang pananatili mo sa Pinas hahalungkatin. Baka nga naman ilegal alien pa ito, tapos ganito ang inaaasal sa uni­pormadong awtoridad.

Ang mga patakarang patungkol sa enhanced community quarantine ay ipinatutupad sa lahat­, kahit saan lugar ka pa basta’t saklaw ng ECQ.

Ayon nga sa DILG hindi maaaring gumawa ng sariling panuntunan sa COVID lockdown ang mga subdibisyon o ang mga condominium.

Kung ano ang patakaran, dapat sundin ng lahat at hindi ng ilan lamang.

Walang pinipili ang pagpapatuparan ng anumang batas.

Wala sa edad, wala sa antas ng buhay at wala yan sa lugar.

Lahat saklaw nyan!  Walang dahidahilan!

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with