_pang-masa
^

Punto Mo

Museum ng mga Penis sa Iceland, dinarayo ng mga babae!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ni Sigurour Hjartarson, may-ari ng penis museum sa Northern Iceland na dadagsain ito ng mga tao at karamihan sa mga nagtutungo roon ang mga babae. Ayon kay Hjartarson, 60 percent ng mga nagtutungo sa kanyang museum ay mga babae.

Nagsimula siyang mangolekta ng mga penis noon pang 1974. Lahat nang penis ng living things ay mayroon sa museum. Una niyang na-preserved ay ang penis ng toro. Ang pinakamalaking penis na kanyang nakolekta ay sa sperm whale na tumitimbang ng 70 kilo at may haba na 1.7 meters. Ang pinakamaliit ay ang penis ng hamster na 2 mm ang haba at maaari lang makita kung sisilipin ng magnifying glass.

Ayon kay Sigurour, sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 261 na preserved penis mula sa iba’t ibang species. Pero sa kabila na marami na siyang nakolektang penis, may kabiguan pa ring nadarama si Sigurour sapagkat ang gusto niyang makolekta ay ang penis ng tao. Ito na lamang ang nag-iisang specimen na may penis na wala sa kanyang museum.

Matagal na niyang hangad na magkaroon nito at ina­asahan na sa mga darating na panahon ay magkakaroon din ng katuparan sapagkat ang lalaking nangako sa kanya – si Pall Arason ay namatay na. Nangako ang Icelander na si Arason na ibibigay nito o ido-donate ang kanyang penis kapag namatay. Nang mamatay si Arason noong nakaraang Enero 5, 2010, ay labis ang katuwaang nadama ni Sigurour sapagkat magkakaroon na rin ng penis ng tao ang kanyang museum.

Bago ang kasunduan nila ni Arason, may German, Ame­rican, Icelander at Briton na nangako rin na kapag sila ay namatay, ido-donate ang kanilang penis. Ang American na si Stan Underwood, 52, ay nagbigay na ng deskripsiyon ng kanyang penis at binigyan na ng nickname na “Elmo”.

Ang museum ay bukas mula Mayo hanggang Setyembre. Madaling makita ang museum sapagkat ang entrance ay may desenyong penis.

 

MUSEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with