EDITORYAL - Iligtas ang mga bata sa pananalasa ng virus
(Pang-masa) - April 24, 2020 - 12:00am

PLANO ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto na ang pagbubukas ng klase dahil na rin sa nararanasang pandemic crisis. Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, pinag-aaralan nila ito at humihingi sila ng konsultasyon sa iba’t ibang sector kabilang na ang mga magulang. Kailangan umano nilang marinig ang mga opinyon at suhes­tiyon ukol sa bagay na ito. Kung walang krisis, sa unang linggo sana ng Hunyo magbubukas ang klase.

Mas maganda kung sa Agosto bubuksan ang klase para masiguro na wala na ang virus. Sa kasalukuyan, umabot na 6,900 ang kaso ng COVID-19. Matatapos ang enhanced community quaran­tine (ECQ) sa Abril 30 depende sa pasya ng Presidente kung palalawigin pa ito.

Kung sa Agosto ang opening ng klase, maili­ligtas ang mga bata sa pananalasa ng virus. Deli­kado kapag mga bata ang dinapuan ng COVID-19 sapag­kat malaki ang posibilidad na mamatay gaya ng mga nangyaring kaso sa ilang probinsiya. Ilang bata ang naiulat na namatay at hindi alam kung saan nakuha ang virus. Kung sa Agosto, magbu­bukas ang klase, sa panahong iyon ay ma­aring nag­laho na ang virus at ligtas na ang mga bata.

Isa pang maganda kung sa Agosto bubuksan ang klase, magagamit muna ngayon ang mga school para sa mga pangangailangan ng mga maysakit o bik­tima ng coronavirus. May mga school din na gina­gamit ng mga pulis at sundalo na nagpapatupad ng ECQ. Ginagawang tuluyan ng mga pulis na nagmamando sa checkpoint ang ilang school sa pro­binsiya. Mayroon din umanong ginagamit ang mga school na pinag­lalagyan ng mga relief goods na pinamumudmod sa barangay.

Maraming papayag na sa Agosto na buksan ang klase para na rin sa kaligtasan ng mga bata. Hindi baleng mabago ang school calendar huwag lang manganib ang buhay ng mga bata. Tama ang desisyon na Agosto ang school opening. Ito ang dapat ipatupad para mailigtas ang mga bata sa COVID-19.

VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with