^

Punto Mo

Mga nagsasabing ‘homeless’, dumarami!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang sinusulat ang kolum na ito ay wala pang iniisyung bagong pahayag ang Pangulong Digong kung palalawigan ba ang lockdown na magtatapos sa  Abril 30.

Pero mukhang ano man ang maging desisyon  dito ng Pa­ngulo, nakikitang mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng ganitong sitwasyon partikular sa Metro Manila na rito marami ang naita­lang nagpositibo sa COVID-19.

Aminado na rin ang gobyerno na nauubos na ang kaban ng bayan.

Hindi biro ang malaking halaga na nailabas ng pamahalaan para matulungan ang mahihirap nating kababayan na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa lockdown.

Pero kung paanong mahigpit na ipinatutupad ang quarantine at pinananatili sa kanilang mga bahay ang mga residente kung saan may 24 curfew pa nga na ipinatutupad, pero marami pa rin ang kumakalat sa mga lansangan.

Kapuna-puna, ngayong masusumpungan na nagkalat sa mga pangunahing lansangan eh ang mga nagsasabing sila ay ‘homeless’.

Totoo nga kayang homeless ang mga ito, o ito mga pasaway na hindi naman nasasaway.

Matindi imbes na dapat ay malinis ang lansangan at paligid dahil sa ipinatutupad na quaran­tine, siya namang pagdami ang naging palaboy.

Ang mga ito ang  madalas na ring maabutan ng tulong mga LGUs at mga pribadong indibiduwal

Alam kasi ng mga ito ang kanilang pupuwestuhan na doon madalas na may nagbibigay ng tulong.

Sa kabila nito, sila rin ang madalas mong makitang nagsusugal sa sulok-sulok sa mga lansangan, hindi lang yan ang bisyo nila, madalas  rin na tomotoma, minsan pa nga singhot ng singhot ng kung anu-ano.

Walang suot na facemasks ang karamihan na madalas pa ngang lumalapit sa mga sasakyan kaya kinatatakutan din ng ilan.

Kung ang maraming nagnanais na matapos na ang lockdown mukhang sila ayaw itong matapos dahil ngayon sila ang tunay na nakikinabang.

Marahil kung wala talagang bahay ang mga ito eh paglaanan ng pansamantalang lugar ng mga LGU, magkaganun man , naku maniwala kayo tatakas at tatakas ang mga ito dahil ang gusto talaga nila sa kalsada.

 

vuukle comment

HOMELESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with