^

Lalaki sa south Africa, arestado makaraang itago sa trunk ng kotse ang siyota upang makaiwas sa lockdown

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 22, 2020 - 12:00am

MAHIGPIT na ipinatutupad ang lockdown sa Johannesburg, South Africa upang hindi kumalat ang coronavirus. Sa kasalukuyan, patuloy ang pag­dami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod dahil sa katigasan ng ulo ng mamamayan. Maraming ina­aresto dahil sa paglabag sa regulasyon.

Kabilang sa inaresto ng mga pulis ang isang lalaki makaraang ilagay nito sa trunk ng kanyang kotse ang nobya para dalhin sa ibang lungsod.

Pinara ng mga pulis sa checkpoint ang kotse ng lalaki. Galing ng probinsiya ng Gauteng ang kotse. Ang Gauteng ang pinakamaraming tao sa South Africa, na halos katulad ng Johannesburg at may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Nang inspeksiyunin ng mga pulis ang trunk ng kotse, natambad sa kanila ang babaing nakahiga roon. Naka-jeans at T-shirt ang babae.

Tinulungan ng mga pulis ang babae na makababa.

Inamin ng lalaki na nobya niya ang babae at dadalhin niya sa kalapit na probinsiyang Mpumalanga.

Kinasuhan ng mga pulis ang lalaki at ang babae dahil­ sa paglabag sa lockdown regulations.

 

AFRICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with