Mga lalabag sa social distancing sa Jakarta, 1-taong kulong, multang 100-m
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 15, 2020 - 12:00am

KATULAD sa Pilipinas, marami ring pasaway na mamamayan sa Indonesia kaya naman binigatan ang parusa roon sa mga lalabag sa social distancing sa pinatutupad na community quarantine.

Sa Jakarta, ang sinumang lalabag sa social distancing ay makukulong ng 1 taon at pagmumultahin ng 100-milyong rupiah­ (katumbas ng $6,200). Ito ang naisip nilang paraan para matakot ang mga tao at masunod ang tamang distanisya sa maraming lugar.

Halos 1-buwan nang naka-quarantine ang mga taga-Jakarta at matatapos iyon sa Abril 23. Sarado ang school, tanggapan at shopping malls sa nasabing siyudad. Walang biyahe ang mga pampublikong transportasyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang two-wheel bike taxis – sikat na mode of transportation sa Jakarta.

Ipinagbabawal din ang pagtitipon ng higit sa limang tao at mahigpit na pinatutupad ang pagsususuot ng facemasks.

Sa kabila ng mahigpit na pagpapa­tupad ng social distancing patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa siyudad. Sa kabuuan, mayroong 3,200 kaso at 280 na ang namamatay sa buong Indonesia.

Sabi ni Jakarta Gov. Anies Baswedan “Layunin namin na mailigtas ang aming pamilya, sarili, kapitbahay, kaibigan kaya ganito ang paghihigpit para huwag kumalat ang virus.” Malaking hamon ito para sa mamamayan ng Jakarta. Kapag hinarap ang hamon, tiyak na malalampasan ito.

Sinabi naman ng ibang governor na maghihigpit na rin sila para hindi na kumalat pa ang COVID-19. Sinabi naman ng Health minister na si Terawan Agus Putranto na mag-i-introduced pa sila nang matinding kautusan para labanan ang virus.

 

JAKARTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with