EDITORYAL – Extension ng ECQ
(Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

HANGGANG Abril 30, 2020 na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) makaraang apru­bahan ito ni President Duterte noong Martes. Dapat hanggang Abril 14 lamang ang ECQ pero ayon kay Cabinet Secretary Carlo Nograles nagdesisyon ang Presidente na palawigin base sa rekomendasyon ng inter-agency committee na nangangasiwa sa paglaban sa COVID-19. Una nang nagsalita ang Presidente sa televised address noong gabi ng Lunes at sinabing pabor siya na palawigin pa ang quarantine sa Luzon.

Tama ang desisyong ito. Patuloy pa ang pagdami ng mga nagkaka-infection at kung hindi palalawigin, sayang lang ang nasimulang pag-iingat at paglaban. Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 3,700 ang positibo sa COVID-19. Ayon sa Department of Health (DOH) sa Abril 14 pa gagawin ang mass testing sa mga hinihinalang may COVID-19.

Maski ang World Health Organization (WHO) ay nagpaalala na ang maagang pag-aalis sa lockdown ay magdudulot nang mas malaking problema sa bansa sapagkat mas maaaring dumami pa ang kaso ng COVID-19. Ayon sa WHO, pabor sila nang mas mahabang quarantine hanggang sa masiguro na wala na ang virus. Payo ng WHO na panatilihin ang pagsusuot ng facemask at ang social distancing para matiyak na hindi kakalat ang virus.

Mahigit tatlong linggo pa bago matapos ang ECQ sa Luzon at sana, sapat na ang panahong ito para ganap na mawala ang salot na COVID-19. Pero magka­karoon lang ito ng kaganapan kung patuloy na mag­hihigpit ang pamahalaan na huwag palabasin sa bahay ang mga tao. Ayon sa pag-aaral, kapag wala nang makapitan ang virus, kusa itong mawawala.

Isang paraan para tumigil sa bahay ang mga tao ay ang pagbibigay sa mga ito nang makakain at tulong na pinansiyal lalo na ang mga naapektuhang mahihirap. Kung may sapat na tulong, hindi sila lalabas ng bahay para maghanap ng ipakakain sa kanilang pamilya. Madaliin ang pagbibigay ng ayuda lalo sa mga walang pagkukunan ng ikabubuhay.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with