Lalaki sa France na sinuway ang quarantine para bumili ng yosi, naligaw sa bundok
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa France ang kinailangang i-rescue ng mga awtoridad sa kabundukan matapos niyang suwayin ang ipina­patupad na quarantine doon para lamang sa paghahanap ng murang mabibilhan ng sigarilyo.

Tinangkang pumunta ng Spain ng Pranses upang doon bumili ng sigarilyo ngunit naharang siya ng mga pulis kaya nag­hanap siya ng ibang daan upang makaiwas sa checkpoint.

Inakyat ng lalaki ang isang bundok, kung saan napagtanto niya na siya ay naliligaw na kaya humingi na siya ng saklolo sa mga kinauukulan.

Agad namang nagpadala ang rescue services sa lugar ng isang helicopter upang sagipin ang lalaki, na kaagad namang natagpuan na nilalamig at tuliro.

Matapos mailigtas, agad na pinagmulta ng $145 (katumbas­ ng P7,339) ang lalaki dahil sa ginawa niyang paglabag sa quarantine.

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with