EDITORYAL - Pagsusuot ng facemask at social distancing
(Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

NAGPAALALA ang World Health Organization (WHO) na mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng facemask at ang pagkakaroon ng social distan­cing at ang pinakamahalaga sa lahat, manatili sa bahay. Ayon sa WHO, kaya mataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 kahit sa mau­unlad na bansa ay sapagkat marami pa rin ang hindi sumusunod sa utos ng health authorities. Sa United States na lamang halimbawa, marami pa rin doon ang hindi sumusunod sa social distancing at kahit kumakalat na ang virus, marami pa rin ang nasa mata­taong beaches.

Sa Italy, bago sila nagpatupad ng lockdown ay kumalat na ang virus at nalampasan nila ang bilang sa rami nang nagka-infection at namatay. Marami umano sa mga Italyano ang binalewala ang babala ng pamahalaan at nagpatuloy sa pagdalo sa mga party, kasayahan at pakikipagsosyalan. Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang nagkakasakit.

Sa Spain ay marami rin ang nagkaroon ng CO­VID­-19 at marami na ang namatay. Hindi rin ka­agad nagpatupad ng lockdown ang Spain kaya dumami rin ang kaso. Marami rin umano sa mga tao roon ang hindi sumusunod sa utos na magsuot ng facemask at binabalewala ang social distancing.

Dito sa ating bansa, kailangang higpitan pa ang pagpapatupad ng social distancing para tuluyang mawala ang virus. Kapansin-pansin na mayroon pa ring pagkukumpul-kumpol ng mga tao lalo sa palengke o talipapa. Dapat magkaroon ng oras ang pagpunta sa palengke at kontrolin ang pagpasok ng mga tao. Mga palengke na lamang ngayon ang dinadagsa ng tao dahil kailangan nilang bumili ng makakain gaya ng isda, karne at gulay. Maaari na­mang mabawasan ang hugos ng tao sa palengke kung mayroong magpapatupad nang paghihigpit. Maliwanag sa pag-aaral na kung saan maraming tao, dun nagpapalipat-lipat ang virus. Mayroong lamang humatsing na inftected ng virus sa siksikang mga tao, tiyak na marami agad ang hahawahan. Pag-uwi nila sa bahay, dala-dala nila ang virus at pati pamilya nila ay mahahawahan.

Ngayong extended na hanggang Abril 30, 2020 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dapat maghigpit pa ang mga awtoridad para matapos na ang problema sa COVID-19.

SOCIAL DISTANCING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with