Sino ang totoong nagkasala?
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

ISANG 26-anyos na lalaki ang nasentensiyahan ng limang taong pagkakulong sa kasong pamemeke ng pirma at estafa. Nagkataong ang ama ng isinakdal ay dating kasamahan sa trabaho ng huwes.

Ang ama ng lalaki ay abogado at sikat na author ng mga libro tung­kol sa batas. Hinayaan ng amang pagdusahan ng anak ang nagawa nitong kasalanan. Ayaw niyang batikusin siya ng publiko na ginagamit ang impluwensiya para iligtas ang anak sa pagkakulong.

Matapos basahan ng sakdal ang lalaki at pabalik na sa kanyang selda, hindi nakatiis ang huwes na kausapin ito nang personal.

“Mayaman kayo. Bakit kailangan mong manloko para lang magkapera?”

“Gipit na gipit ho ako sa pera.”

“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa iyong ama?”

Malungkot na umiling ang lalaki, saka nagsalita,

“Nakakatakot siyang lapitan. Tuwing lalapitan ko siya noong bata pa ako para magpaturo ng homework, binubulyawan niya ako at sina­sabing: Busy ako. Huwag mo akong istorbohin at may tinatapos akong libro.”

Ngiting may pait ang sumilay sa labi ng lalaki at saka ipinagpatuloy ang pagsasalita.

“Simula noon, hindi na ako lumapit sa kanya. Marahil ay ikina­tuwa niya iyon. Wala na kasing nang-aabala sa kanya. Kaya siguro marami siyang naisulat na libro. Sumikat siya sa mga librong isinulat niya. Lalong magiging matunog ang pangalan niya ngayon dahil may anak siyang nakalaboso.”

 

NAGKASALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with