EDITORYAL - Wasakin ang checkpoints na itinayo ng barangay
(Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

GALIT si PNP Deputy Chief for Operations and Joint Task Force Corona Virus Shield head Lt. Gen. Guillermo Eleazar nang malaman na nagla­lagay ng checkpoint sa national highway ang mga barangay sa iba’t ibang panig ng Luzon. Ipinag-utos niya sa mga hepe ng pulis sa bayan-bayan na wasakin ang checkpoints.

Maraming natanggap na sumbong si Eleazar na ang mga cargo truck ng basic commodities ay hina­harang at naaatrasado ang delivery sa mga palengke. Sabi ni Eleazar hindi dapat mag-setup ng checkpoints sa national highway at provincial road ang barangay. Tanging mga pulis na naka-uniporme lamang ang magsasagawa ng checkpoints sa mga pa­ngunahing kalsada. Isang paglabag ang ginagawa ng barangay sa guidelines kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Subalit kahit na nag-utos na si Eleazar, marami­ pa ring barangay ang nagse-set-up ng kanilang check­­points­ at nagiging sagabal sa mga sasakyang nagde­deliber ng pagkain, gulay, isda, manok at baboy sa mga palengke. Hindi sinusunod ang direktiba kahit na ilang ulit nang sinabi ni Eleazar na walang pahintulot ang barangay na maglagay ng checkpoint. Ayon kay Eleazar­ maaari lang maglagay ng checkpoint ang barangay sa internal road pero hindi sa national highway.

Ilang biyahero na ang nagreklamo sa sunud-sunod na checkpoints sa barangay at bago sila makarating sa pagdadalhan ng kanilang gulay, prutas ay bulok na ang mga ito. Mayroong mga nagbibiyahe ng mga buhay na manok at baboy na natetengga sila sa init ng araw habang pinipigil sa checkpoint ng barangay. Marami sa kanilang kargang baboy at manok ay nama­matay dahil sa sobrang init.

Dapat maimbestigahang mabuti ni Eleazar ang patuloy na pagse-setup ng barangay checkpoints at kasuhan ang mga opisyal ng barangay na hindi sumu­sunod. Kakapusin ng pagkain ang mamamayan kapag nagpatuloy ang ginagawang ito. Wasakin ang check­points sa barangay. Sagabal sila sa daloy ng mga pangunahing pangangailangan.

BARANGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with