Maari bang hindi magbayad ng buwanang upa ngayong may ECQ?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

Isa po ang trabaho ko sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipi­natutupad ng gobyerno. Dahil po rito ay wala akong sasahurin sa panahong sarado ang opisina namin at walang trabaho kaya wala akong maipambabayad sa nirerentahan ko ngayong apartment. Maari bang hindi ako mag­bayad ng aking renta para sa nakaraang buwan?

--Carlo

Dear Carlo,

Batay sa Memorandum Circular  No. 20-12 na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) noong April 4, 2020, kailangan pa ring bayaran ang mga residential at commercial rent kahit pa ang due date ng  ng mga ito ay pasok sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Gayunpaman, alinsunod sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, binibigyan ng nasabing circular ng tatlumpung (30) araw na palugit mula sa due date ang pagba­bayad ng renta. Matapos nito ay maaring hulugan ang renta sa loob ng anim ba buwan matapos ang ibinigay na palugit.

Ipinagbabawal din ang pagpapataw ng interes, penalty, o anumang fees sa late na pagbabayad ng renta sa hinuhulugang renta na ito. Dagdag din ng circular na hindi maaring magpaalis ng hindi nakabayad na umuupa sa loob ng 30 araw matapos ang huling araw ng ECQ.

Kung nabayaran na naman ang renta ay hindi na maaring bawiin ito ng umuupa ngunit kailangang magbigay ang nagpapa-upa ng 30 araw na dagdag na palugit para sa kasunod na due date.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with