^

Punto Mo

Kambal na ipinanganak sa India, pinangalanang COVID at corona

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mag-asawa sa Chhattisgarh, India ang nagpasyang ipangalan sa epidemya ang kanilang kambal na sanggol.

Pinangalanang “Covid” at “Corona” ang kambal na lalaki at babaing ipinanganak sa gitna ng ipinapatupad na lockdown ngayon sa India.

Hindi raw naging madali ang panga­nganak niya sa gitna ng kasalukuyang epi­demya kaya minabuti ni Preeti Verma na ipangalan sa virus ang mga anak niya bilang alaala sa sitwasyong nararanasan ng buong mundo ngayon.

Sa pamamagitan daw ng mga napiling pangalan, matatandaan nila ang pinagdaanan ng kanyang asawa at ang matagumpay niyang pag­luwal sa kanilang kambal.

Nasa 1.3 bilyong katao ngayon ang nasa mga pamamahay lamang nila sa India matapos ipatupad doon ang lockdown na nagsuspinde sa serbisyo ng mga pampublikong transportasyon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with