^

Punto Mo

EDITORYAL - Tumulong na lang at huwag manggulo

Pang-masa
EDITORYAL - Tumulong na lang at huwag manggulo

MAY mga nanggugulo kahit ang bansa ay nasa mabigat na krisis na dulot ng COVID-19. Naga­gawa pa nilang sulsulan ang mga residente para magkagulo. Hindi ito nararapat at sa halip tumulong na lang para maging magaan ang pagharap sa krisis.

Lumutang na naman ang grupong Kadamay at sinabihan ang mga residente ng Sitio San Roque, Pag-asa, Quezon City na magtipon dahil meron umanong ibibigay na relief good ang gobyerno. Nagtungo ang mga residente sa lugar pero nagulat sila na may mga hawak na placards ang mga miyembro ng Kadamay at nagpuprotesta na. Hanggang may nambato sa mga pulis at nagsimula nang magkagulo. May naghagis ng bote at kung anu-ano pa. Nagkahabulan at 21 ang naaresto. Inamin naman ng Kadamay sa isang radio interbyu kahapon, na grupo umano nila ang nagsagawa ng protesta.

Sinasamantala ng Kadamay ito ang sitwasyon kung saan marami ang natutuliro dahil kinakapos na ng pagkain dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon na magtatatlong linggo na. Maraming apektado sa ECQ dahil tinigil ang operasyon ng mga kompanya, pabrika, construction, biyahe ng mga pampublikong transportasyon at iba pa. Ginawa ito para mapigil ang pagkalat ng virus. Tatagal ng hanggang Abril 14 ang ECQ. Pinag-aaralan pa kung magkakaroon ng extension sapagkat patuloy pa sa pagdami ang kaso ng COVID-19.

Hindi ito ang unang beses na nagsagawa nang panunulsol ang Kadamay. Sila rin ang grupong umukopa sa mga housing projects para sa mga pulis sa San Jose del Monte, Bulacan. Kahit hindi pa tapos ang mga bahay, pinasok nila at inangkin. Nakatiwangwang lang daw kaya dapat itong pakinabangan.

Pinatawad naman ni President Duterte ang ginawa ng grupo at hinayaang okupahin ng mga ito ang housing na nakalaan sana sa mga pulis. Bibigyan na lang daw ng bagong bahay na mas malaki ang mga pulis. Dahil sa ginawa ng Presidente na pagkunsinti sa Kadamay, ilang housing projects pa sa Bulacan ang kanilang nilusob at inokupa. Nagbanta na si President Duterte na babarilin ang mga miyembro ng Kadamay kapag umulit.

Hindi na dapat patawarin ang grupong ito na sinasamantala ang sitwasyon. Kailangang ipakita na ng Duterte administration ang bangis sa mga ito para maputol na ang kanilang pag-uudyok na magkagulo.

vuukle comment

MANGGULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with