^

Punto Mo

Pasyenteng may COVID-19 dapat bang pangalanan?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

DAPAT nga bang pangalanan o lumantad ang mga pasyenteng nahawahan ng COVID-19? Dahil sa tinatawag na privacy at medical protocol, hindi maaaring isiwalat ng mga doktor at ibang mga kinauukulan ang pangalan ng pasyente. Maliban na lang kung kusang lalantad ang mga ito tulad ng ginawa ng ilang mga kilalang personalidad na nahawahan ng sakit na ito gaya ng mga artistang sina Christopher de Leon, Iza Calzado, Sylvia Sanchez, at Senators Sonny Angara, Aquilino Pimentel at Juan Miguel Zubiri.

Sa isang pahayag, ikinatwiran ni Senador Panfilo Lacson na, kung maisasapubliko ang pangalan ng mga nahawahan ng COVID sa pamamagitan halimbawa ng barangay bulletins, homeowners association o social media platform, makakapagpatingin agad at makakapagpagamot kung kailangan ang mga taong nakasalamuha ng pasyente. Kung nagagawa aniya ng mga kilalang personalidad na boluntaryong ihayag sa publiko na nahawahan sila, panahon nang gawin din ito ng mga ordinaryong Pilipino para maalerto ang mga taong nakahalubilo nila para hindi na lalo pang kumalat ang impeksyon.

Sinegundahan ito ni Baguio City Mayor  Benjamin Magalong na nagsabing, kung  makikilala ang pasyente, magiging babala ito sa mga tao na seryosohin ang panawagan ng pamahalaan na manatili sa bahay at umiwas sa matataong lugar. Aniya, may mga pagkakataong umaani ng simpatiya ang mga umaaming tinamaan sila ng sakit at nauunawaan ang kanilang pinagdadaanang sitwasyon.

Kumontra naman sa mga argumentong ito ang National Privacy Commission (NPC) na nagsaad na mas mahalagang malaman ang lugar na kinaroroonan ng pasyente kaysa sa pangalan  nito.

Sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro sa isang ulat na walang saysay na maibunyag ang pangalan ng tao kung hindi naman ito kilala.  “Halimbawa magbigay ako ngayon ng isang pangalan na ngayon mo lang makikita, maririnig. Masasabi mo ba kung ito ‘yung tao na nakamayan mo o nakausap mo? Hindi ba mas mahalagang malaman mo na ito kaya ay nasa, marahil, nandito sa lugar na ito. O sabihin na natin, saan ba pinakamalapit? Ito ba ay nasa building na ito? Kung ‘yung mga sikat ay masabi nila, o kung merong lumantad diyan kahit sino, ang mahalaga doon ay malaman kung saang lugar. ‘Yun ang ginagawa ng contact tracing, kung saang lugar na hindi mo kailangang sabihin ang pangalan. Kung may listahan ka ng mga pangalan, kung hindi mo naman sila kilala, hindi mo rin malalaman kung yan ay na-engkwentro mo. Pero ang nangyari, nailathala mo na siya at maaaring maging permanente o habambuhay ang pagkakalathala nito.”

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with