^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (11)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SASAGUTIN na sana ni Jonas ang tanong ni Ziarah nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, si Katrina, ang kanyang siyota.

Sinagot niya.

“Hello Kat?’’

“Hello Jonas. Nasaan ka na?’’

“Narito na ako sa bahay.’’

“Bakit hindi ka man lang tumawag at nag-text sa akin na ngayon ka darating?’’

Tumingin muna si Jonas kay Ziarah bago sumagot. Nakatingin lang si Ziarah habang nakikipag-usap si Jonas.

“Hindi na ako nakata-wag at naka-text dahil sobrang busy sa pag-aasikaso sa libing ni Tiya Aurora.’’

“Kahit sandali lang hindi mo ako natawagan.’’

“Sorry Kat talagang busy lang. Wala pa nga akong tulog mula nang umuwi ako.’’

“Ikaw lang ba ang nag-aasikaso sa auntie mo?’’

“Oo. Yung dalawang anak kasi ni Tiya Aurora ay masyadong tiwala sa akin. Palibhasa ay alam nilang mahal na mahal ko ang kanilang ina.’’

“Hinihintay ko ang tawag mo o text. Ni hindi ka nagparamdam.’’

“Sorry talaga. Hayaan mo at babawi ako,’’ sabi ni Jonas at senenyasang maupo si Ziarah sa sopa. Naupo naman ito. Nakikinig ito sa usapan nila ni Kat.

“Talaga ha? Babawi ka?’’

“Oo bukas lumabas tayo.’’

“Sige. Saan?’’

“Kahit saan mo gusto.’’

“Punta tayo sa Tagaytay?’’

“Puwede na ba roon? Di ba kapuputok lang ng Taal?’’

“E ‘di sa Baguio kung ayaw mo sa Tagaytay.’’

Nang bigla ay natabig ni Ziarah ang dekorasyong baso sa center table at bumagsak sa suwelo. Malakas ang bagsak at lumikha ng tunog. Narinig ni Kat ang pagbagsak.

“Ano ‘yung bumagsak, Jonas? May kasama ka diyan?’’

Natulala si Jonas.

“Wala! Nahulog yung décor sa dingding.’’

“Ah kala ko may ibang tao diyan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with