^

Punto Mo

EDITORYAL - Madaliin, financial aid sa mga nawalan ng trabaho

Pang-masa
EDITORYAL - Madaliin, financial aid sa mga nawalan ng trabaho

IPAPAMAHAGI na umano ang P200-billion para sa mga mahihirap na pamilya at mga nawalan ng trabaho mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon noong Marso 16. Sinabi ni President Duterte na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mamamahagi ng cash sa mga mahihirap.

Kahapon, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisimula nang magbigay ng cash sa mga mahihirap na residente sa Tondo at Parañaque. Hiniling naman ng Presidente na maghintay lang ang mamamayan at darating din ang tulong. Huwag umanong mainip sapagkat ginagawa ng pamahalaan ang lahat.

Sinabi naman ni Senator Bong Go na hindi mapupulitika ang pagkakaloob ng P200-billion sa mga mahihirap at nawalan ng trabaho. Prayoridad umano ng pamahalaan ang mga mahihirap at lahat ay pagkakalooban nito.

Ayon sa report, maaaring umabot pa sa P800-billion ang posibleng pondo ng gobyerno para malabanan ang COVID-19. Ang pondo ay maaaring kunin sa mga budget ng agencies, unreleased funds, dividends at repurchase deal sa Central Bank.

Ayon sa Presidente, and DSWD ang inatasan niyang mamahagi ng cash para maiwasan ang corruption. Kamakailan, nagbanta ang Presidente na ipakukulong niya ang mga  mangungurakot ng pondo at relief goods. Hindi umano siya mangingiming ikalaboso ang mga mapapatunayang nangurakot. Huwag daw magsamantala ang mga opisyal sa nangyayaring krisis sapagkat gagawin niya ang banta.

Madaliin ang pamamahagi ng financial aid lalo sa mga nawalan ng trabaho.  Ang mahigit dalawang linggong walang kayod ay mabigat na pasanin sa mga ama na ta-nging inaasahan ng pamilya. Maraming no work,  no pay. Maraming nawalan ng hanapbuhay gaya ng mga drayber ng jeepney at bus, trabahador sa pabrika, konstruksiyon, restaurant at marami pang iba. Iprayoridad ang mga ito para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya.

Bigyan din ng sapat na relief goods. Isang paraan para hindi lumabas ng bahay ang mga tao ay ang pagbibigay sa mga ito ng pagkain. Hindi sila lalabas kung mayroong kakainin sa bahay sa panahon ng quarantine. Katwiran ng ilang nahuling lumabag sa curfew na naghahanap daw sila ng mauutangan para pambili ng pagkain kaya sila lumabas ng bahay. May ilan pang nagsabi na kaya siya lumabas ng bahay ay para dumilensiya ng perang pambili ng gamot sapagkat maysakit ang kanyang anak. Kawawa naman ang mga taong ito kaya dapat unahing bigyan ng ayuda.

 

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with