^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (10)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMABA si Jonas sa sasakyan at binuksan ang gate. Sumakay uli sa sasakyan at ipinasok sa garahe.

“Halika, Ziarah.’’

Bumaba sila.

Binuksan ni Jonas ang pinto. Binuksan ang ilaw. Napuno ng liwanag ang salas.

“Maganda ang bahay mo Kuya Jonas.’’

“Ito ang una kong nabili mula nang magkatrabaho ako. Mas inuna ko ang tirahan dahil mahirap ang walang sariling bahay dito sa Metro Manila. Nabili ko ang lote sa mag-asawang nag-migrate sa Australia. Pinagiba ko ang dating bahay at tinayuan ko nito.’’

“Masinop ka pala Kuya.’’

“Siyempre laki ako sa hirap. Ulila pa. Sabi ko sa sarili kailangang pagbutihin ko para hindi naman masayang ang pag-ampon sa akin ni Tiya Aurora. Kaya nang makatapos at magkatrabaho ako, binili ko ito. Tapos, ipinagawa ko ang bahay ni Tiya Aurora sa probinsiya bilang pagtanaw ng utang na loob.’’

Napahinga nang malalim si Ziarah.

Maya-maya ay nagsalita ito.

“Kuya tatanggapin mo ba akong maid?’’

Hindi agad nakasagot si Jonas.

“Lubus-lubusin mo na ang pagtulong sa akin, Kuya. Kahit hindi mo ako suwelduhan. Basta may matirahan lang ako at makainan.’’

Napahinga nang malalim si Jonas.

Nagpalakad-lakad muna ito sa salas.

“Sige, tatanggapin kita pero…’’

“Pero ano Kuya?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with