Serbisyo publiko ng PCSO, tuloy kahit may COVID! – Garma
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - April 1, 2020 - 12:00am

KAHIT suspendido ang kanilang gaming products tulad ng Small Town Lottery (STL), Keno at iba pa nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, iginiit ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Man. Royina Garma na tuluy-tuloy naman ang serbisyo nila sa kanilang mga kliyente. Ang PCSO ay kasama sa mga ahensiya ng gobyerno na inutusan ni President Digong na maglagak ng pondo sa pakikipaglaban vs COVID at ayon kay Garma hinahanda na nila ang kanilang share na P420 milyon. Ang naturang kantidad ay ipapasa sa Philhealth na aktibo sa pakikibaka laban sa virus.

Matatandaan na sinuspinde ni Garma ang kanilang gaming products sa buong Luzon, subalit pinayagan ang STL sa Visayas at Mindanao, para maiwasan ang pagkumpulan ng mga Pinoy sa kalye alinsunod sa kautusan ni Digong na enhanced community quarantine. Kaya para mag-stay at home ang mga Pinoy tigil putukan muna sa mga sugal. Araguuyyy! Hak hak hak! Sumunod na lang sa stay at home na pakiusap ng gobyerno mga kosa para mapabilis ang pagpatay sa virus at maisantabi na rin ang lockdown. Tumpak!

Sinabi ni Garma na ang mga may sakit nating kababayan na nangangailangan ng medical­ assistance ay ire-refer sa Malasakit Centers sa buong bansa. Nauna rito, naglagak ng pondo ang PCSO hanggang Abril 16 na P1 milyon sa Lung Center of the Philippines; Philippine Children’s Medical Center, P400,000; Philippine Heart Center, P500,000; Philippine General Center, P1.5 milyon; Rizal Medical Center, P400,000, at Taguig Pateros District Hospital, P400,000. Ang pondo ay para isulong pang maigi ang social at charity works ng mga ospital sa pakikibaka sa virus.

Ang PCSO kasi mga kosa ang principal government agency ng gobyerno ni Digong para mangalap ng pondo para tugunan ang health programs, medical assistance and services at charities. Kaya dahil alam ni Garma ang masamang maidulot ng sakit na COVID, naglaan kaagad ito nang malaking pondo para tustusan ang pangangailangan ng mga tinatawag na frontliners at ‘yung tinamaan ng virus. Get’s n’yo mga kosa?

Sa mga kababayan natin naglaan ang PCSO ng mobile numbers na 0945-774-6439; 0915-296-2243, at 0917-703-5866 para madali silang tawagan. Puwede rin silang i-email  pcsomain.charity@pcso.gov.ph o sa social media page na  @Philippine Charity Sweepstakes Office. O hayan, kumpleto rekado na ‘yang contact number ng PCSO mga kosa kaya’t tawag na! Hak hak hak! Hindi talaga nakakatulog nang mahimbing si Garma para makatulong sa may sakit nating kababayan.

Kung sabagay, sa kautusan ni Garma, ginamit din ng PCSO ang kanilang mga shuttle bus para sa kampanyang «Libreng Sakay» sa pitong areas ng Metro Manila na apektado ng lockdown. Hindi lang ‘yan! Namigay din si Garma ng food packs sa mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na naka-assign sa checkpoints sa entry at exit points ng Metro. Nanawagan din si Garma sa mga Pinoy na sumunod na lang sa mga alituntunin ng gobyerno ni Digong para maiwasan nila at ng pamilya ang coronavirus. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with