^

Punto Mo

Reklamador

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang malayong probinsiya sa Pilipinas, mayroong batis na bumubukal ng maligamgam na tubig.

Sa kabilang namang dulo ng batis ay may bumubukal na  napakalamig na tubig.

Nilalabhan ng mga residente ang kanilang damit sa batis.

Sinasabon nila ang damit sa maligamgam na tubig.

Kapag magbabanlaw, dadalhin naman nila ang damit sa bahaging may bumubukal na malamig na tubig.

Isang turista ang humanga sa natural na biyaya ng kalikasan sa mga mama­mayan.

Hindi siya nakatiis na mag-comment sa isang residente.

Ang suwerte naman ninyo. Libre na kayo sa tubig na panlaba, may hot at cold water pa kayong nagagamit.

Sa kasamaang palad, marami pa ring mga misis ang nagrereklamo! Sagot ng isang residente.

Ang lagay na ‘yun, hindi pa sila nakukuntento? Ano ba ang kanilang inire­reklamo? Tanong ulit ng turista.

Magbibigay rin lang daw si Mother Nature, sana ay sinamahan na niya ng sabon. Wish lang daw nila, may bumukal na libreng sabon sa isang bahagi ng batis.

We never appreciate what we have; but only complain of what we lack.

vuukle comment

REKLAMADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with