Ang Telemedicine program ng Taguig vs COVID!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

HINDI na kailangang magsadya sa ospital o health centers ang mga residente ng Taguig City na may karamdaman sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic dahil idedeliber na mismo ang mga gamot sa kani-kanilang bahay sa programa ni Mayor Lino Cayetano na kung tawagin ay Telemedicine. Sa ganitong paraan, inaasahan ni Cayetano na maprotektahan ang mga kamag-anak ng may sakit at ang mga tinatawag na frontliners na mahawaan ng virus. Sa ilalim ng Telemedicine, ang 31 Health Centers at tatlong Super Health Centers ng local government at magiging 24 hours na operational at ang mga residente ay naka-stay at home.

Ayon kay Cayetano ang lahat ng consultations ay magiging online o ‘di kaya’y sa pamamagitan ng text messaging. At ang mga gamot ay idedeliber ng mga health workers sa bahay ng may sakit, samantalang ang mga medical services tulad ng immunization at gagawin ding house-to-house. Sa ganitong paraan, sinisiguro ni Cayetano na sumusunod ang mga residente sa home quarantine ng gobyerno ni President Digong at maiwasan ang pagkumpol-kumpol nila sa kalye. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Siyempre, kasama sa pinoprotektahan ni Cayetano rito ay ang health workers.

Para maka-avail ng Telemedicine, ang gagawin lang ng residente ay kontakin ang Telemed contact number ng kanilang barangay, na may naka-deploy na empleado ng City Health Office mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Matapos makuha ang lahat ng detalye ng may sakit, ang City Health employee ay ang mag-refer nito sa midwife, nurse o doktor kung saan magbibigay sila ng mga susunding alituntunin. Kapag ang kaso ng pasyente ay may palatandaan ng COVID, o person under investigation (PUI), ang lahat ng protocols sa COVID-19 ay dapat susundin. Subalit kung ang kaso ay hindi naman COVID, ang midwife, nurse o doktor ang magbibigay ng instructions para magdeliber ng gamot mismo sa bahay ng pasyente.

Sa ilalim ng programa, dalawang health workers ang magsadya sa mga bahay at ilagay ang gamot sa silya sa labas ng bahay. Siyempre, sila ay may suot na face masks at may dala ding alcohol para sa kanilang kaligtasan. Sila din ang magtantiya kung ang pasyente ay kailangan pang dalhin sa health center o ospital para sa masusi pang gamutan. Hak hak hak! Sobrang suwerte naman ng taga-Taguig at gumagawa talaga si Cayetano ng paraan para mailigtas sila sa mapanganib na COVID, di ba mga kosa?

Tinitiyak ni Cayetano na magiging matagumpay itong Telemedicine program n’ya dahil nasubukan na ito sa isang barangay noong nakaraang Huwebes gamit ang iMacs at Android phones. Wala namang nakitang aberya kaya Go na ito sa 28 barangays mula ngayong Lunes. Maliban sa Telemedicine, nagsagawa din ang LGU ng Taguig ng house-to-house na pagbibigay ng mga gamot sa sakit na diabetis, hypertension at asthma, TB, HIV at birth control pills. Hak hak hak! Kayat kayong taga-Taguig kapag dinapuan pa kayo ng COVID, t’yak kayo na ang nagkulang dito at hindi si Mayor Cayetano. Abangan

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with