^

Punto Mo

Tips sa panahon ng Covid-19 crisis

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Bawas-bawasan muna ang pagbabasa ng tungkol sa corona virus. Huwag nang pansinin ang mga natatanggap na mensahe mula sa mga “friends” via Facebook messenger na pulos tungkol sa corona virus. Ang mga bagay na dapat nating malaman ay narinig na natin sa mga otoridad. Nakakapagod na, karamihan pa ay fake information.

• Huwag nang maghanap pa ng karagdagan impormasyon sa internet. Magugulo lang ang iyong isipan at baka ka lang mapraning. Iwasang mag-send ng chain letter sa social media na naglalaman ng mga nakakatakot na impormasyon. Hindi lahat ng taong makakatanggap nito ay may mental strength ng kasinglakas ng sa iyo. Ito ay magdudulot lang sa kanila ng depresyon na magpapahina ng kanilang katawan para labanan ang virus.

• Makinig ng good music na hindi aabot ang volume sa mga kapitbahay.

• Maglaro ng board games kung saan kaaaliwan din ito ng mga bata.

• Panatilihin ang disiplina sa bahay. Maglagay ng sign na magpapaalalang maghugas sila palagi ng kamay.

• Panatilihin ang masayang disposisyon sa buhay. Ang mga negatibong saloobin ay nakakahina ng immune system.

• Huwag matigas ang ulo. Makiisa at sundin ang sinasabi ng mga awtoridad. Tigilan ang pagrereklamo.

• Iwasang mag-panic. Unawain at tanggapin ang sitwasyon. Mabuhay nang normal sa araw-araw. Hindi mababago ng pagpapanic ang sitwasyon.

• Magpaaraw sa umaga at mag-exercise. Nakakatulong ang pagpapaaraw upang sumaya ang kalooban.

• Maging matatag sa paniniwala na matatapos din ang krisis na ito at kakayanin nating talunin ang corona virus.

Source: Facebook

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with