^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INULIT ni Jonas ang tanong sa babae habang nakatingin sa rearview mirror. Hindi kasi sumasagot ang babae at maaaring hindi siya narinig o ‘di kaya’y dahil may malalim itong iniisip.

“Sino ang humahabol sa iyo, Miss?’’

Saka lamang biglang naalimpungatan ang babae at inilapit ang sarili sa likod ni Jonas para marinig nito ang sinasabi niya.

‘‘Ama-amahan ko po. May balak pong masama sa akin – gusto po akong reypin. Malaki na raw ang nagastos niya sa akin kaya dapat siya ang makinabang!’’

Nag-isip si Jonas. Parang nakarinig na siya nang ganito. Hindi kaya scripted ang sinasabi ng babae.

Pero nang umiyak ang babae, gustong mabasag ng dibdib ni Jonas. Iyak na awang-awa sa sarili na may kahalong takot ang narinig niya sa babae. Hindi scripted ang ganito o arte na halos mapuno sa luha ang pisngi ng babae.

Nagpabagal ng takbo si   Jonas. Wala na naman sigurong humahabol sa kanila. Gusto niyang marinig ang sinasabi ng babae na ang hu­mahabol dito ay ang ama-amahan at gustong gahasain.

‘‘Bakit ama-amahan? Nasaan ang mga magulang mo? Ang tatay at nanay mo?’’

“Wala na po sila. Patay na po! Dalawang taon lamang po ako nang mamatay sila. Tinamaan ng kidlat habang nasa bundok at nagtatanim. Ang pinsan pong dalaga ng aking ina ang umampon sa akin. Itinuring akong anak. Pero nang mag-asawa po siya, nabago ang lahat dahil may masama nang tangka sa akin ang asawa niya na iti-nuring ko na ring ama-amahan. Lalo pa pong nalagay sa panganib ang buhay ko nang mamatay ka­makailan ang aking ina-inahan o tagapag-ampon. Gusto akong gahasain ng aking ama-amahan. Ako raw ang ipapalit sa namatay kong ina-inahan. Isa pa raw, malaki na ang nagastos niya sa akin. Pinag-aral kasi raw niya ako sa high school. Kaysa iba raw ang makinabang sa akin, ay dapat siya na lang…’’ tu­migil ang babae sa pagkukuwento at muling umiyak.

Gusto namang madurog ng puso ni Jonas sa mga sinabi ng babae. Parehas pala silang ulilang lubos. Ang kaibahan lang, mabait ang taong nag-ampon sa kan­ya samantalang sa babaing ito ay walanghiya! (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with