Si Doc at isa pa, pumatong nang malaki, ayun timbog!
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - March 28, 2020 - 12:00am

INARESTO ng mga tauhan ni NBI OIC Director Eric Distor, ang isang doktor sa ikinasang entrapment operation sa isang lugar sa Quezon City dahil sa pagbebenta ng overpriced na thermal scanners na 9 na beses niyang pinatungan ang presyo para pagkakitaan ng malaking halaga.

Sabi nga, million! 

Kinilala ni Distor si Dr. Ced­ric John Sarmiento De Castro na sinasabing chapter pre­sident daw ng Lions Club sa New Manila. 

Ikinasa ni Distor, ang operasyon laban kay De Castro nang ma-monitor nila sa social media group na nagbebenta ito ng may 150 thermal scanners kaya naman nakipag-transaksyon ang mga tauhan niya rito at nagkasundo matapos silang presyuhan ng P9,300 kada isa ng ulol este mali ng doktor pala.

Ang thermal scanner ay P500 to P1,035 lamang ang halaga.

Sabi ni Distor, ang thermal scanners na ibinebenta ni De Castro ay sinasabing pasobra lamang sa donation na ibinigay sa kanyang organization?

Naku ha!

Wala pa palang puhunan ito.

Ikinuwento ni Distor na mabili ang thermal scanners ngayon dahil sa COVID-19 virus kaya halos wala ng supply na makuha, ubos ito sa pamilihan kaya naman sinasamantala ito ng mga ganid na negosyante para pagkakitaan ng malaking halaga. 

Kambiyo issue, sabi ni Distor, may impormasyon silang nakuha na talamak ang bentahan ng gun-type thermal scanner sa isang store sa Quiricada St., Sta. Cruz, kaya naman nagpadala ito ng mga ahente sa sinasabing tindahan para tiktikan kung totoo ang info.

Ayon kay Distor, hindi sumablay ang informant dahil P7,500 kada unit ibinebenta ang nasabing produkto sa mga gustong bumili nito.

Sabi nga, huli si Richard Suay Beloy nang tanggapin nito ang P127,500 marked money para sa 17 units na thermal scanners.

Ika nga, kaso ang parehong aabutin nina De Castro at belekoy este mali Beloy pala. 

Abangan.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with