Weird sleeping habits ng mga sikat
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - March 28, 2020 - 12:00am

Eminem

Mahirap makatulog kapag may nasisilip na ilaw. Upang maging madilim na madilim ang kuwarto, binabalot niya ng tin foil ang bintana ng kanyang bedroom.

Tom Cruise

Noong nagsasama pa sila ni Katie Holmes, hindi ito makatulog dahil malakas humilik si Tom. Para masolusyunan, nag­pagawa sila ng sound-proof bedroom. Sa sound-proof bed­room natutulog si Tom at sa kabilang bedroom si Katie.

Mariah Carey

May 20 humidifiers siya sa kanyang bedroom. Ang effect ay parang natutulog siya sa “steam” room. ‘Yun bang ang hangin ay mamasa-masa. Bukod sa nakakahimbing ng tulog, pampaganda raw ng skin at para hindi manuyo ang lalamunan. Siyempre, singer. Dapat ay in good condition lagi ang lalamunan.

Lady Gaga

Nagpagawa siya ng bed na korteng itlog. Nakakadama raw siya ng kapayapaan sa loob ng egg bed.

Winston Churchill

Hatinggabi na siya matulog kaya tuwing sasapit ang 5 pm, umiidlip siya ng dalawang oras. Pero bago umidlip, umiinom muna ng pinaghalong whisky at soda.

Stephen King

Bago humiga sa bed, naghuhugas muna siya ng kamay. Bakit? hindi raw niya alam. Tapos ‘yung open side ng kanyang punda ng unan ay dapat na nakaturo sa left side. At hindi rin niya alam kung bakit. Basta, ganoon lang ang kanyang ginagawa para makatulog nang mahimbing.

George Clooney

May insomnia siya at bukas na TV ang nagpapaantok sa kanya.

Jimmy Kimmel

Natuklasan ng mga doktor na siya ay may narcolepsy. Ito ay ang nararanasang sobrang antok kahit hindi puyat. Sa araw umaatake kahit nasa gitna ng pagtatrabaho. ‘Yun bang nahihilo na sa antok kaya nawawalan ng pokus o kung minsan ay totoong nakakalimot at bigla na lang nakakatulog sa gitna ng pagtatrabaho. Sa sandaling pagtulog ay nakakaranas agad siyang managinip. May iniinom siyang gamot para sa kanyang sakit.

Napoleon Bonaparte

Umiidlip lang siya kapag abala sa paghahanda sa giyera. Pero kapag tapos na ang laban, natutulog siya nang diretsong 18 oras.

John F. Kennedy

Natutulog ng isa hanggang dalawang oras pagkakain ng tanghalian. Sinasamahan siya ng asawang si Jackie sa pagtulog. Ang kuwento ni Jackie, siya ang humimok kay JFK na matulog sa tanghali at mula noon ay nagbago na raw ang sigla ng katawan ng Presidente.

Margaret Thatcher at Barrack Obama

Kaunting oras lang natutulog, apat o anim na oras ang pinakamatagal.

Donald Trump at Thomas Edison

Tatlong oras lang natutulog.

WEIRD SLEEPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with